Monday, November 1, 2021

Lolit Solis at Cristy Fermin, pinagtawanan ng mga netizen dahil hindi agad nai-chismis ang pagkakaroon ng anak ng McLisse.

0

Marami ang nagulat ng ianunsyo ng magkasintahang Mccoy De Leon at Elisse Joson ang pagkakaroon nila ng anak.

Nang muling bumisita ang dalawa sa bahay ni Kuya at dito na nga nila inanunsyo ang maganda at nakakagulat na balita.

Matatandaang nagkakilala ang dalawa ng pareho silang maging housemate sa isang edition ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7  bilang mga celebrity housemates.


Simula nga noon ay tuluyan ng nagbigay kilig ang dalawa sa kanilang mga kapwa housemates at sa mga taga subaybay ng naturang programa.

Kaht na nakalabas na sila ng bahay ni kuya ay pinagpatuloy pa rin ng dalawa ang kanialng mabuting pagtitinginan.

Ngunit napabalita rin noon ang paghihiwalay ng dalawa dahil sa mga problema na kanilang hindi napagkasunduan.


Hindi rin nagtagal, dahil narin sa masugid na panunuyo ni Mccoy sa dalaga ay muling nagkamabutihan ang dalawa at tahimik na ipinagpatuloy ang kanilang pagmamahalan.

Kung kaya't marami ang natuwa ng ianunsyo ng dalawa sa pbb na mayroon na silang babaeng anak na nagngangalang Felize Mckenzie De Leon.


Marami ang nagulat dahil wala manlang lumabas na chismis o mga blind item tungkol dito.

Maging ang balitang kolumnista at showbiz insider na sila Cristy Fermin at Lolit Solis ay hindi rin nauna sa balitang ito.

Kilala kasi ang dalawa na palaging nauuna sa mga balita ng mga artista at sila pa mismo ang nauunang mag anunsyo nito sa social media.

Kung kaya't may ilang mga netizen ang tila pinagtatawanan ang dalawa dahil mahina umano ang naging radar ang dalawa at hindi sila nabalitaan ng kanilang mga 'source' tungkol sa balitang ito.

Dahil dito ay hindi na naiwasan ni Manay lolit solis na mag-react sa mga ibinabato sa kanila ni Cristy.

Sa kanyang post sa instagram sinabi ng batikang manager at kolumnista na natatawa na lamang umano siya sa mga komento sa IG niya dahil marami ang nagsasabi na naging mahina ang radar ni Lolit at Cristy  sa naging pagbubuntis ni Elisse.


Narito ang ilan sa mga komento nila.









Sa huli ay binati na lamang ni Lolit ang new parents na sina Mcoy at Elisse at sinabing humahanga siya sa tapang ng dalawa sa pag amin na may roon na silang anak.

Samantala, narito ang video kung saan inanunsyo ng dalawa na may anak na sila.


Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment