Umiiyak at sobrang emosyonal ng sikat na vlogger na si Christian Merck Grey kasama ang kanyang kabiyak na si Pam Esguerra Grey.
Sa pinakahuling vlog ni Merck, hindi na napigilan ng magasawang maiyak ng sobra dahil bibitawan na umano ni Merck ang pagiging 'MakaGwapo'
Matatandaang nakilala at sumikat si Merck sa paggawa ng videos sa Youtube gamit ang kanyang alyas na 'MakaGwapo' kasama ang kanyang ex-girlfriend na si Caffey amindang na tinawag namang 'MakaGanda'
Dahil sa ganda ng samahan nilang dalawa noon ay dito sila nakilala at sumikat ng husto.
Naging maingay ang hiwalayan nina Caffey at Merck dahil sa hindi magandang kadahilanan ngunit ninais paring bitbitin ni Merck ang bansag sa sarili.
Ngayong kasal na ang vlogger kay Pam Esguerra, inanunsyo ng dalawa na pina legal tradename na nila ang alyas na MakaGanda at tanging si Pam nalang umano ang legal na maaring gumamit noon.
Naging maingay ang isyung ito kamakailan lang dahil nagpost pa sina Caffey at Pam tungkol dito.
Dahil dito emosyonal na sinabi ni Merck sa kanyang vlog na bibitawan na niya umano ang pagiging 'MakaGwapo' para sa kapakanan ng kanyang asawa.
“Masakit sakin ‘to. Hindi madali para sakin. Ilang taon ko binuo yung Makagwapo. Ang dami kong pinagdaanan, pangarap ko ‘to, nag-umpisa ako sa wala,” Madamdaming pahayag ni Merck.
Dagdag pa ng vlogger, handa niyang bitawan at mawala ang lahat para lamang sa kanyang misis.
“Para sa ikakatigil ng lahat tsaka para sa pag-protekta ko kay baby, hindi ko na gagamitin yung salitang Makagwapo.”
Nagpasalamat pa sila sa TORO Family na anila ay sumuporta at gumabay sa kanila kung kaya't napunta sa ganitong desisyon.
Totoo nga kayang signing off na si 'MakaGwapo'? o Prank nanaman niya ito? Panoorin ang video sa ibaba.
Source: The Philippine Times