Nagsorry ang Kapamilya actor na si Albie Casiño sa mga sinabi niya tungkol kay Andie Eigenmann.
Kamakailan lamang ay naging guest si Albie sa online talk show ni Toni Gonzaga na "Toni Talks'. Inamin dito ni Albie na may mga mali siyang naging komento tungkol sa kanyang ex na si Andi.
Humingi siya ng patawad sa mga nasaktan at na-offend sa kanyang naging pahayag.
“My manager actually told me not to talk about this, but I feel like as a man, I have to,” Aniya.
“First of all, I really didn’t think that it would pick up that much [attention]. I really honestly didn’t think that it would spread like wildfire, what I said." Kwento ni Albie.
“And, I know now that I was wrong to say that. And I want to apologize to everybody who was offended by what I had to say.” Dagdag pa nito.
Inamin niya na nais niya talagang magsalita ng masákít kay Andi sa mga oras na iyon.
Ayon pa kay Albie, “To be honest, I wanted to say something that would make her feel bad because of all the anger that I had; that I had pent up frustration that I had from all of the years. I felt like this would be a way for me to say something funny at the same time get back at her for what she did to me but I didn’t expect it to be taken that way”
Matatandaang bago pumasok si Albie sa bahay ni Kuya ay maaanghang ang naging pahayag nito sa kanyang huling live stream sa Kumu nang tanungin ito tungkol sa kanyang ex na si Andi.
Una na rito ay ang deretsahang pag amin ng aktor na masaya siya na malaman na tumaba ang kanyang ex.
Ngunit sa huli ay tila pinagsisihan naman ni Albie ang mga binitawang masásákít na salita tungkol sa dating kasintahang.
Panoorin ang buong panayam ni Toni kay Albie.
Source: The Philippine Times