Bongggang sorpresa ang inihandog ng aktor na si Gerald Anderson para sa kanyang Girlfriend na si Julia Barretto.
Nagkawalay ng ilang linggo ang dalawa matapos magbakasyon sa ibang bansa ni Gerald upang makasama ang kanyang ama. Ngunit ngayon ay reunited na ang magkasitahan at masayang nagbabakasyon.
Beach getaway sa Boracay ang naging bonding moments ng celebrity couple.
Hindi pa natapos sa masayang bonding sa beach ang moment ng dalawa. Dahil isang bonggang sorpresa ang inihanda ni Gerald upang mas lalong mapasaya ang kanyang kasintahan.
Marami sa kanilang mga fans ang talaga namang kinilig sa sweet na dinner date set up by the beach na talaga namang pinaghandaan ng aktor.
Tila ba isang palabas na teleserye ang tagpo ng magkasintahan dahil sa magagandang ilaw na nakapalibot sa knanilang dalawa.
Nakapaligid din sa kanila ang kanilang ibat ibang sweet na larawan ito ay bilang design at background ng kanilang dinner date.
At hindi makumpleto ang ideal romantic date na ito ng walang bulaklak. Kaya naman binigyan pa ng aktor ng bonggang bouquet ang dalaga na may nakasulat pang "love" na call sign ng dalawa.
Agad namang umani ng samu’t-saring komento ang surprise na ito ni Gerald. May mga kinikilig at mayroon ding tumaas ang kilay dahil sa mga nagisng isuue ng dalawa.
Source: The Philippine Times