Tila ba may gustong sabihin ang sikat a komedyanteng si Dennis Padilla sa kanyang mga anak.
Alam naman ng publiko kung paano ang pakikitungo ng mga anak ni Dennis sa kanya. Hindi maiwasang mapansin ng publiko na tila may gálït sa kanya ang mga anak niya kay Marjorie Barretto.
Napabalita noon si Julia Barretto na nais pang ipatanggal sa kanyang pangalan ang apelido ng kanyang ama na Baldivi dahil ayaw na niya itong gamitin.
Dahil nasa pamilya sila ng showbiz personalities, lalo na ang panganay ni Dennis at Marjorie na si Julia, ay laging nauugnay ang mga ikinikilos at ugali nito para sa kanyang ama.
Marami ng natanggap na hindi magagandang salita si Julia mula sa mga tao dahil sa pambabalewala nito sa kanyang ama.
Kinumpara na pa ng ilan sa mga netizen kung paano makitungo si Julia sa kanyang boyfriend na si Gerald at sa amang si Dennis.
Nito lang ay tila ba nagsesenti ang komedyante at nakarelate sa isang post ni Ivana Alawi. Agad itong nirepost ni Dennis. Ito ay tungkol sa pagmamahal sa magulang habang buhay pa ang mga ito.
Ayon sa post ni Ivana, “Advice ko sa inyo, habang buhay ang parents nyo o may kaaway kayo, wag nyo na hintayin na mawala yung tao."
“Just always forgive and love that person and give time.” Dagdag pa ni Ivana.
Sa Instagram, sumang ayon naman si Dennis sa sinabing ito ng vlogger.
Kasama ng nasabing post ang caption ni Dennis na "Great advice" na kalakip ang praying emoji, heart at broken heart emojis.
Ayon naman sa mga netizens ay tila gustong ipahiwatig ni Dennis sa kanyang mga anak na patungkol sa kanila ang quote na ito.
Kaya inaabangan tuloy ng marami kung tatablan nga ba ang kanyang mga anak. Na sina Julia, Claudia, at Leon Barretto.
Narito ang reaksyon ng ilan sa mga netizen tungol sa nirepost ni Dennis.
Source: The Philippine Times