Dahil nasangkot ang pangalan ni Yen Santos a hiwalayan ng kapwa artista sina LJ Reyes at paolo Contis, hindi na mapigil ang mga isyu na ibinabato sa kanya.
May lumalabas na balita na di umano ay may anak ang dating PBB housemate sa isang politiko
Ayon sa usap-usapan, nagkaroon daw ng anak sa isang pilitiko at itinatago lamang ito sa madla ng aktres. Ngunit kinumpirma ng talent manager na si Ogie walang katotohanan ang mga ito.
Ito ang inilabas na pahayag ni Ogie sa kanyang Youtube Channel na Ogie Diaz Showbiz Update kasama ang kanyang kaibigan na si Tita Jegs.
"Actually nakarating din saakin yan na si Yen daw eh may anak na, na itinago lang daw. But the truth is, wala pong anak si Yen. Yan ang alam ko ha, walang anak si Yen at yung tinutungo nilang anak ni Yen, ay hindi po iyon anak ni Yen kundi yun ay kapatid daw ni Yen…” pahayag ni Ogie.
“Na inanak sa binyag ng isang politician. Kaya duon ay usap usapan na anak iyon ni Yen." Dag dag pa ng batikang manager.
"Kasi kung si Yen nag buntis, malamang Jegs e di may picture na kumalat. Ang dami pa namang Marites at Mosang ‘diba… Wala naman tayong nakitang lumalakad si Yen, buntis. Wala namang ganun eh…”pagpapatuloy pa nito.
Sa ngayon, mainit ang pangalan ni Yen dahil sa mga kumalat na larawan nila ng aktor na si Paolo Contis na magkasama sa Baguio.
Narito ang video:
Source: The Philippine Times