Friday, September 3, 2021

Video ni Mahal na hindi siya makahinga viral ngayon!

0

Naging mainit ang usap-usapan ang naging pagpanaw ng isang sa mga haligi ng showbiz na si Mahal o kilala rin sa pangalang Noemie Tesorero sa totoong buhay.

Nagulat ang lahat sa kanyang pagkawala sapagkat kailan lamang ay nakita siya ng mga tao sa isang teleserye ng GMA network na Owe My Love kung saan bida ang aktres na si Love Poe at Benjamin Alvez.

Aktibo rin ang komedyante sa pagawa ng Youtube videos kasama ang kanyang partner na si Mygz Molino.

Kung kaya't marami ang hindi makapaniwala sa nangyaring ito kay Mahal.


Maging ang aktres na si Kiray Celis ay nagdadalámhátí sa pagpanaw ng matalik na kaibigan at ate niya.


Nagpahatid din ng pakikiramay at nagpahayag ng pangungulila ang nakatrabahong si Lovie Poe.


Dahil dito muling nagtrending ang isang video ni Mahal kung saan ay bigla na lamang siyang hindi makahinga.


Masaya pa si Mahal bago mangyari ang lahat.

Inaayos pa niyang mabuti ang Camera at itinapat sa sofa kung saan ay kita siyang gumagamit ng kanyang telepono.

Makikitang tuwang tuwa pa si Mahal habang inihahanda ang lahat.

Hanggang sa bumaba na ang kanyang partner at bigla na lamang nagsikip ang kanyang dibdib. 

Pinainom naman siya agad ng tubig ni Mygz upang siya ay makaramdam ng ginhawa.


Bigla na lamang siyang nahirapang huminga si Mahal at napahiga sa kanilang sofa. Napahiga siya at at tinawag ang kanyang partner na noon ay umakyat muli sa kanilang kwarto.


Inalagaan niya si mahal at halatang nagaalala na sa nangyayari sa kanyang kapareha.


Dahil sa labis na kaba ni Mygz ay biglang tumawa si Mahal at sinabing prank lang pala ang lahat.


Sa huli ay bahagyang naglit si Mygz sa ginawa ni mahal at sinabing wag magbibiro ng ganon dahil baka ito magkatotoo.


Narito ang kabuuan ng video ng prank ni Mahal sa kanyang nobyo.


Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment