Friday, September 3, 2021

Video ng interview noon kay Yen Santos tungkol sa mga "Kábít sa totoong buhay" muling nag viral!

0

Dahil naging viral ang isyu ngayon nila Paolo Contis at ni Yen Santos na nakita sa Manaog na sweet na sweet na naglalakad at kumakain sa labas.


Naging espekulasyon ito na ito ang dahilan ng hiwalayang LJ Reyes at Paolo Contis na anim na taon ng magkarelasyon at may isang anak.


Naunang lumabas ang ang mga larawan at video ni Paolo na may kasamang babae. Ito ay matapos iere sa online show ni Boy Abunda ang panayam kay Lj Reyes tungkol sa hiwalayan nila ni Paolo.

Noong una ay naging palaisipan pa kung sino nga ba ang babaeng kasama niya sa nasabing larawan.


Hindi kasi agad nakita ang mukha ng babae dahil nakatalikod ito at may suot na facemask at faceshield.


Ngunit ng lumabas ang video clip na viral ngayon ay makikitang naglalambingan at masayang naglalakad si Paolo at ang misteryosong babae.


Agad itong nakilala ng netizen at sinabing ito ay walang iba kundi ang aktres na si Yen Santos.


Matatandaang nagkasama ang dalawa sa pelikulang "A Far Away Land" bilang lead stars.


At tila dito nagkamabutihan at naging malapit ang dalawa sa isa't isa.

Hinala ng marami si Yen umano ang third party sa hiwalayang Paolo at LJ.


Dahil dito binalikan ng mga netizen ang dating naging panayam kay Yen. Kung saan nagbigay siya ng mensahe tungkol sa mga "kábít" sa totoong buhay. Ito ay ang panahon kung saan usong uso pa at viral pa ang kanilang teleserye sa ABS CBN na "Halik"


Saad dito ni Yen “May kanya-kanya siguro silang dahilan kung bakit sila pumapasok sa ganyang sitwasyon pero sana bago nila isipin na pumasok sa ganyang sitwasyon, siguro isipin muna nila ‘yung consequences na pwedeng mangyari kapag pumasok sila sa maling relasyon na pwede talaga nilang pagsisihan hanggang huli. “


Lahad ng mga netizen na ang mensaheng ito ni Yen ay dapat umanong i-apply niya sa kanyang sarili.


Narito ang kabuuan ng video ng panayam kay Yen:



Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment