Friday, September 3, 2021

Paolo Contis at Yen Santos, spotted sa Manaoag at sweet na sweet na naglalakad habang magkahawak kamay!

0

 Kamakailan lamang ay naging usap  usapan ang hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes.

Mainit na naging usapan ang naging panayam ni Boy Abunda sa aktres ni LJ reyes ungkol sa kanilang naging hiwalayan.


Umiiyak na ikinweto ni LJ ang mga naging pagbabago sa kanilang relasyon nitong mga nakalipas na mga buwan.

Aniya marami siyang nababalitaan mula sa kanyang mga malalapit na kaibigan tungkol sa mga hindi tamang ginagawa ni Paolo ngunit hindi niya naco-confirm ito sapagkat sinasabi sa kanya ng kanyang partner na hindi umano siya iyon.


Hindi malinaw kay LJ ang buong dahilan ng pagbabago ni Paolo ngunit tila nagkakaroon na ito ng linaw ngayon.


Ngunit ngayon ay tila isa isa ng nabubuksan ang katotohanan dahil kahapon lamang ay naging usap-usapan ang litrato ni Paolo Contis na may kasamang ibang babae.


Ito ay isang araw lamang makalipas ng iere ang interview ni LJ Reyes sa digital talk show ni Boy Abunda.
Sa nasabing larawan, sinabi ng netizens na si Paolo ang lalaki dahil naka-side view ito habang nakikipagkuwentuhan sa babae.


Pareho silang nakaupo sa table sa isang magandang restaurant, na na naka-tagged location ay matatagpuan sa “Manaoag.”


Nakasuot ng malaking shirt ang babae, at simpleng T-shirt din ang suot ng Kapuso actor.

May written text na kmakalat at sinabing “huyyyy #spotted” sa caption, at may kasama ring emojis na laughing with tears at monkey covering eyes.


Sabi sa caption sa isa pang litrato, “oyyyy sino to???? spill the tea sis? hahah jk.”





Hindi naman kita ang mukha ng babae sa larawan sapagkat nakatalikod ito, kaya walang klarong impormasyon kung sino nga ba ang babaeng kasama ni Paolo.


Pero ngayong araw lang ay may video na lumabas kung saan pareho din ang suot ni Paolo at ng babaeng kasama niya.

Natukoy tuloy ng mga netizens na ang aktres na si Yen Santos pala ang kasama ni Paolo sa Manaoag.


Matatandaan na naging magkatrabaho ang dalawa sa pelikulang “A Faraway Land” na ipinalabas sa Netflix kamakailan lang.


Kaya hinala ng maami na ng marami na dito nagsimula ang kanilang pagkakamabutihan. At tila naging malalim ang kanilang naging relasyon bukod sa pagiging magkatrabaho.





Marami tuloy ang nagtatanong na netizens kung si Yen Santos nga ba ang naging dahilan ng hiwalayan nila Lj at Paolo na mahigit anim na taon ng magkarelasyon.

Narito ang maigsing video clip na makikita sina Yen at Paolo:



Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment