Tuesday, September 7, 2021

Ina ng magandang girlfriend ni Whamos, nais bawiin ang menòr de edád na anak sa vlogger!

0


 Trending na trending sa social media ang vlogger na si Whamos Cruz at ang girlfriend nito.


Kamakailan lang ay naging talk of the town si Whamos dahil sobrang gandang girlfriend nito. Ang babaeng ito ay nagngangalang Antonette Gail Del Rosario.

Ayon sa naging panayam kay Whamos ng progamang Kapuso Mo, Jessica Soho, natagpuan niya ang kanyang true love sa katauhan ni Antonette.


Ibinahagi nila kung paano sila nagkakilala at naging komportable sa isat isa.

Dahil umano sa pag gaya ni Antonette sa dance challenge ni Whamos sa Tiktok ay nagkakilala sila. 


Hindi nagatagal ay napansin ni Whamos ang ginawang video ng dalawa at doon na nagsimula ang kanilang maga dance collaboration.


Dito na nagsimula ang lahat at nauwi na nga ito sa panliligaw ng vlogger kay Antonette.


Ngunit ilang araw lang ang lumipas matapos mag viral ang magkasintahan ay tila umaalma ang Ina ni Antonette.



Nagpost ang ina ni Antonette na si Dolly Gail Del Rosario sa kanyang Facebook account. Dito ay sinabi niya ang kanyang pagnanais na bawiin ang anak sa poder ni Whamos.

"Magtatapos kapa ng pag aaral, madami pa kami pangrap sayu..tulungan nyo kami mabalik sa totoong pamilya ni antonette Gail del Rosario  Alam mo yan mula nung maliit kapa kami Ang nakasama mo! Wag mo sayangin Ang panahon,wag ka mag pauto sa mga taong ginagamit ka lang din..Hindi ako nag kulang sa inyo.. ginagawa ko lang Ang tama at dapat para sa inyo. Wag nyo baliwalaing magulang nyo padin ako..respeto pa din hinihingi ko!


Sinabi nito na nais pa niyang magtapos ang kanyang anak ng pag aaral at marami pa silang pangarap para dito. Napag-alaman din na menor de edad pa pala si Antonette.



Dagdag pa ni Dolly Gail hindi umano siya nagkulang sa kanyang mga anak sa lahat ng aspeto at ang gusto lamnag niya ay nag kabutihan ng mga ito. Sinabi pa niya na sya parin ang magulang ng dalaga kung kayat dapa siyang irespeto.


Pinayuhan pa niya ang kanyang anak na huwag magpauto sa mga taong gumagamit lang sa kanya.


Samantala, nagbigay ng kanyang reaksyon tungkol dito si Antonette at sinabing hindi alam ng kanyang ina ang tunay na dahilan kung bakit ayaw na nitong bumalik sa kanila.


Ipinagtanggol din ang dalaga ng nakatatandang kapatid nito at sinabing hindi naman ang ina nito ang naging guardian ni Antonette kung hindi siya.



Napagdesisyunan nila na kupkupin ang kanyang kapatid dahil naging mahigpit ang kanyang ina rito. At ngayon nga ay nakatira na sila sa bahay ni Whamos.




Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment