Unang sinabi ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin na hindi sina Paolo at Yen ang nasa viral na video at pictures.
Pinagdiinan ni Cristy na sigurado siyang hindi umano ang dalawa ito sapagkat nakikita niya ito ng personal at alam nito ang tindig at galaw ng dalawa.
Ngunit tila naiba ang ihip ng hangin at nagbago ng pahayag ang kolumnista.
Nito lamang mga nakaraang araw ay nag viral ang mga larawan ng isang babae at lalaki na sweet na sweet na naglalakad at kumakain sa Baguio at Manaog Church.
Kinumpirma ng netizens na si Paolo Contis ang lalaki at naging misteryo ang pagkakakilanlan ng babae sapagkat lahat ng nanging kuha dito ay patalikod.
Ngunit dahil narin sa mga ebidensya na lumabas at mga kamukhang pag aari ng misteryosong babae sa mga pag aari ni Yen Santos ay nakumpirma nga ng netizen na ito nga ang aktres.
BÃnátÃkòs at talaga namang pinutakte ng mga negatibong komento si Cristy Fermin at marami ang nagsabi sa kanya na pinagtatakpan lamang niya si Paolo at Yen.
May nagsabi pa na binayaran umano ang kolumnista upang maglabas ng ganoong pahayag.
Dahil dito ay naiba ang pahayag ni Cristy Fermin, kinumpirma nito na sina Paolo at Yen nga ang magkasamang naglalakad at naglalambingan sa Baguio at Manaoag Church.
“Kumpirmado po. Yung lumabas na larawan ni Yen at tsaka ni Paolo na nagsimba po sa Manaog. Sila po talaga yun,” sabi ni Cristy.
Ayon pa kay Cristy, sila rin daw ang mga personalidad na naispatang kumakain sa isang restaurant.
Isiniwalat rin ni Cristy na matagal na umanong hiwalay sina Lj Reyes at Paolo bago ito mangyari.
Sa ngayon ay tikom parin ang bibig ni Yen Santos at Paolo Contis sa nasabing isyu.
Narito ang buong pahayag ni Cristy.
Narito ang komento ng mga netizens.
Source: The Philippine Times