Thursday, August 5, 2021

Sikat na content creator na Nas Daily, pinagsasamantalahan nga ba ang kultura ng Pilipino?

0

Isa si Nuseir Yassin o mas kilala sa social media bilang Nas Daily sa mga sikat na content creator sa Facebook. Siya ay sumikat sa pag gawa at pagbabahagi ng mga video na sumasalamin sa kultura at paniniwala ng isang bansa. Laman din ng kanyang mga vlog ang iba't ibang magagandang lugar na kanyang napuntahan sa iba't ibang parte nga mundo.

Masasabing nakakamangha talaga ang nilalaman ng kanyang mga videos dahil bukod sa marami kang matututunan ay talaga namang mamamangha ka sa mga madidiskubre mo sa kanyang kwento.



Sa ngayon ay may 20 million followers si Nas sa kanyang Facebook account. Hindi nagtagal ay naglunsad siya ng isang Facebook page kung saan lahat ng ibinabahagi niyang 'content' ay naka translate na sa wikang Pilipino ito ang Nas Daily Tagalog. Sa kasalukuyan ito ay mayroong mahigit kumulang 200,00 na Facebook followers.


Dahil dito, masasabi nating napamahal na talaga si Nuseir sa mga Pilipino. Karamihan din ng kanyang mag empleyado ay pawang mga Pinoy din.

Kaya naisipan niyang gawing ang proyekto at  tinatawag niya itong 'Nas Academy'


Sa Nas Academy ay maari kang mag enroll sa kanilang mga online courses tulad ng Journalism, Beauty Pageants, Filipino Culture at marami pang iba. Kasama sa proyektong ito ang mga kilalang mag personalidad na si Miss Universe 2018 Catriona Gray, batikang journalist na si Jessica Soho at ang natitirang mambabatok o Kalinga tattoist sa tribo ng Butbot, Buscalan Kalinga na si Apo Whang-Od.


Maganda ang layunin ng  online courses na inilunsad ng Nas Academy. Ngunit tila nababahiran ngayon ng kóntróbersya ang magandang layuning ito ng Nas Daily.

Kamakailan lang ay nagpost ang isa sa kamag anak ni Apo Whang-Od na nagngangalang Gracia Palicas. Ibinulgar nito na hindi totoo na nakipag uganayan ang team ng Nas Daily kay Apo at hindi umano naiintindihan ng mambabatok kung ano ang mga nakasulat sa kontrata. Kahit na ang mga translators ay hindi rin umano naiintindihan nga matanda.


 Kaagad naman kumalat at nag trending ang isyu at marami ang pumuná sa kumpanya ni Nuseir. Narito ang ilan sa kanila.




Kaagad namang sumagod ang kumpanya ni Nuseir at ipinakita ang paglalagay ng thumb print ng Apo sa mga dokumentong iprinesenta ng kanyang team. Sinabi rin ng content creator na kamag anak mismo ni Whang-Od ang nag paliwanag sa Apo nasabing kontrata at mali ang mga akusayon sa kanya ng mga tao sa internet.


"Dear Philippines! There has been a post circulating online regarding our beloved Whang-Od Academy. The post claims that Whang-Od has no knowledge of the Academy and that this is a scam. "Saad ng kumpanya.


"We approached Whang-Od because just like you, we love her."

Narito ang kabuuan ng post ng 'Nas Daily'



Dahil dito ay tinanggal muna ng Nas Daily ang online course para kay Apo Whang-Od. It umano ay bilang respeto sa  kamag-anak at pamilya nag tanyag na mambabatok.


Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment