Sobrang trending ngayon ng online seller na si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz.
Labis na pinagusapan ang online seller na ito dahil sa kakaibang istilo ng kanyang pagtitinda.
Dahil sobrang nakakaaliw ito, marami ang nanuod ng kanyang online selling na umabot ng mahigit sampung libo.
Ngunit nagulat ang sikat na online seller dahil kahit marami ang kanyang viewers ay wala ni isang nagmamine sa kanya.
Dito na nagalit si Madam Inutz at sinabing napakarami umano ng kanyang viewers pero walang nagmamine.
Pinàgmùmùra niya ang mga tambay sa kanyang online selling.
Ngunit imbis na magalit o negatibo ang isipin ng mga tao sa kanya ay nakatuwaan pa siya at mas lalong tumambay pa ang mga tao sa kanyang live online selling.
Dahil dito ay biglang sumikat si Madam Inutz at marami sa mga vlogger ang nais siyang maka-collab.
Maging ang First Yaya lead star na si Sanya Lopez ay talaga naman humanga sa angking talento ni Madam sa pagpapatawa.
Habang ginagawa nila Madam Inutz ang kanilang photoshoot kasama ang kanynag manager na si Wilbert Tolentino ay sandaling naka video call nito si Sanya.
Naisipin ni Wilbert na ipakausap si Sanya sa kanyang alaga dahil nga taga hanga ito ni Madam.
"Madam Inutz sobrang fan mo ako, tawang tawa ako sa'yo. Welcome sa 'ka-freshness' Pagbati sa kanya ni Sanya.
Dahil sumikat si Madam sa kanyang nakakatawa ngunit kakaibang pagbati sa mga 'tambay' ng kanyang online selling ay hindi rin ito nakaligtas na malulutong ngunit pabirong na mura mula sa online seller.
"Hello po... magpapàmùra kaba?" bungad ni Madam Inutz sa bida ng First Yaya.
Pabirong sinabi ni Madam na lamang lang si Sanya ng dalawang paligo sa kanya dahil sobrang gandang ganda siya rito.
"Ayan p*k*ng ina mo Sanya Lopez saksakan ka ng ganda, inutíl, lamang ka sakin ng dalawang paligo."
Sinabi ng Manager ni Madam Inutz na si Wilbert na maaring magcollab ang dalawa bilang isa sa mga susunod na proyekto ng sikat na online seller.
Tuwang tuwa naman si Sanya sa pagmumuráng ginawa sa kanyang ng sikat na online seller.
Narito ang makulit at nakakatawang video nila madam at Sanya.
Source: The Philippine Times