Sinasabing sa batas ng pag ibig kailangang pantay ang ibinibigay na pagmamahal ng bawat isa upang maging matagumpay ang isang relasyon. Hindi dapat maging hadlang ang edad, itsura o yaman upang hindi maibigay ang isang daang porsyento ng pagmamahal sa iyong kapareha.
Gayunpaman, may iilan na sadyang mapagbigay talaga at nais pasayahin ang kanilang kapreha sa pamamamgitan ng pagbibigay ng materyal na regalo o pera.
Sa ating lipunan tinatawag na 'sugar mommy' o 'sugar daddy' ang isang taong labis labis na nagbibigay sa kanyang partner lalo na kapag may mas may istura kaysa sa iyo ang iyong kapareha o mas bata sya sa iyo.
Ngunit kakaiba ang naging karanasan ng isang babae na ito na nagngangalang Liezl Chu sya ay half Pinoy at half Chinese. Sa kanyang Tiktok account ibinahagi nya ang isang video kung saan ikinwento niya kung bakit siya naging sugar mommy gayong maganda at bata pa siya.
Ikinwento muna ni Chu ang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng maraming pera. Dahil may lahing Chinese, di na bago sa pamilya nila ang pagnenegosyo. Noong 16 years old pa lamang umano siya ay nais na niyang kumita ng pera at ayaw na niyang humingi ng pera sa kanyang magulang kung kaya't nagtrabaho siya bilang isang make up artist.
Nagustuhan umano niya ang pakiramdam na kumikita siya mula sa sariling pagod at hindi na nanghihingi sa magulang kung kaya't ng sumapit ang kanyang 18th birthday, inipon niya ang lahat ng perang nakuha niya at saka niya ginamit ito pampatayo ng milktea shop na pag aari niya ngayon.
Doon na lumago ang kanyang negosyo at nakilala ang isang lalaki na nagpatibok ng kanyang puso. Dahil mas malaki ang kinikita niya kaysa sa kanyang boyfriend ay hindi siya nag atubilinng magbigay ng magbigay rito.
Hindi nagtagal ay napansin umano niya na tila hindi na "nagtatry hard" ang kanyang partner at parang umaasa na lang sa kanya ito.
"Kasi nakikita kong mas kaya ko, hindi ko naman akalain na áábusÃn nya pala ako sa dulo" Kwento ni Chu.
"Hindi maganda sa pakiramdam 'yun, nagalit din yung kapatid ko, my brother kasi hindi dapat ganon. Pero syempre ako naman love ko 'yung person kaya 'sige okay lang'."
Ng nagtapos ang kanilang relasyn ay may nakarelasyon ulit sya at ganun ulit ang nangyari. Dahil natauhan na sya sa una nyang relasyon ay kaagad daw nya itong tinigil.
Bukod daw sa isyu ng pera ay tila wala naring pagmamahal sa kanya ang kanyang partner. Hindi narin umano siya nirerespeto nito.
Narito ang kanyang nakakatuwang kwento.
Source: The Philippine Times











