Matagal ng panahon nababalita ang pagkakamabutihan umano nina Julia Montes at Coco Martin. Ito ay nagsimula ng magsama ang dalawa sa kauna-unahang pagkakataon sa isang proyekto ng ABS-CBN ang 'Walang Hanggan' na umere noong 2012. Simula noon ay hindi na naputol ang balitang may relasyon ang dalawa.
Matatandaan ding ilang taong nagpahinga si Julia sa showbiz at lumipad patungo sa ibang bansa. Dito umugong ang bali-balitang nabuntis umano ni Coco si Julia kung kaya't kinailangan nitong lumipad papuntang Germany para doon umano magbuntis at manganak.
Ngunit ayon naman sa aktres, kinailangan niyang magpahinga sa showbiz at pumunta ng ibang bansa upang doon magpahinga at makasama muli ang kanyang ama.
Sa kasalukuyan, nakauwi na ng ating bansa si Julia at naghahanda sa kanyang showbiz comeback at pagpasok nya sa 'FPJ's Ang Probinsyano'.
Naging maingay na pinag uusapn ngayon ito, dahil sa wakas ay magkakasama nang muli ang di umanoy magkasintahan.
Dahil sa ingay ng balitang ito, may ibinuking si Ogie Diaz tungkol kina Coco at Julia.
Sa kanyang vlog na ipi-nost sa kanyang Youtube channel kamakailan, kasama ni Ogie sa naturang vlog ang mga kaibigan na kapwa showbiz insider din na sina Mama Loi at Tita Jegs.
Dito nga ay pinag usapan nila ang pagpasok sa istorya ng bagong karakter na gagampanan ni Julia. Magiging bagong leading lady ni Coco Martin ang aktres.
Biglang nadulas si Ogie at sinabing nagsasama naman umano ang dalawa sa totoong buhay kung kaya't magiging madali na sa dalawa ang magsama at makatrabaho ang isat isa sa isang show.
"Mahal naman nila ang isa't isa so... sa tunay na buhay nagsasama sila at nagsasama sila dito sa probinsyano, relax na sila sa isa't isa." Pahayag ni Ogie.
Nagtatakang tanong naman ni Mama Loi, "Ha? bakit nagsasama ba talaga sila?"
"May sinabi ba ako?" nagulat na sagot naman ni Ogie.
"Ayan diba sinabi mo?" sagot ni Mama Loia matapos i-rewind ang sinabi ni Ogie.
"Ahhh nadulas lang naman." natatawang sagot muli ni Ogie.
Sa huli ay tila kinumpirma nga ng batikang showbiz insider na nagsasama na nga ang dalawa.
Source: The Philippine Times










