Bilang isang magulang, gagawin natin ang lahat upang masuportahan at mabigyan ng magandang buhay ang ating mga mahal sa buhay lalong lalo na ang ating mga anak. Walang makakapantay sa sakripisyo ng isang magulang para sa kanyang mga anak.
Ngunit Sadyang sa isang pamilya ay minsan mayroong mga anak na parang wala ng pakialam sa kanilang mga magulang na dapat sana ay mas bigyan ng pansin at alagaan nila kapag matatanda na ang mga ito.
Kagaya na lamang ng pobreng mag asawang ito na taga Linabuan Norte, Kalibo, Aklan. Nakakalungkot ang sinapit ng matandang mag asawa dahil nakatira lamang sila sa sira sirang tent. Sinasabing pinabayaan at nakalimutan na sila ng kanilang mga anak na nagpunta ng Maynila upang doon magtrabaho.
Makikita sa mukha ng mag asawa na tila hindi sila nakakain ng maayos kung kaya't mayroon silang payat na panganagtawan. Sa isang video na in-upload ng isang radio broadcaster na si Archie Hilario, sinubukan nitong pasyalan at alamin ang mahirap na kalagayan ng mag-asawa.
Sa video, makikitang tagpi-tagpi ang tent na tinitirhan. Ayon sa matandang babae, mayroon silang anak na naninirahan sa Maynila ngunit matagal na panahon silang hindi nagpaparamdam sabi ni lola, tila kinalimutan sa sila ng mga ito.
“Yung dalawa nasa Maynila, wala ring kumunikasyon sa amin kung saan sila natira” ayon kay lola.
Sinabi din ni lola na kahit sulat manlang sana ang kanilang matanggap mula sa kanilang anak sa Maynila ay magiging masaya na ang mga ito. Dagdag pa ng matanda hindi naman masama ang loob niya sa kanyang mga anak. Ang nais lamang nila ay malaman kung nasa mabuti bang kalagayan ang mga ito.
“Hindi nila kami naalala ng dalawa naming babae sa Maynila.” dagdag pa ni lola. Meron umano silang isang anak na namamasukan malapit sa kanilang lugar ngunit mayroon na din itong pamilya kung kaya naman kung wala itong maiaabot sakanilang pera ay wala rin silang makakain. Dahil sa naramdamang awa ni Hilario sa matanda ay inalok nito kung puwede daw ba silang magpatayo ng bahay para sa mag-asawang matanda, ngunit sinabi ni lola na hindi maaari dahil hindi sakanila ang lupang kinatitirikan ng kanilang tent.
Dahil sa nakakawang sitwatsyon ng dalawang matanda, maaming netizens ang talaga namang nahabag at nalungkot sa kalagayan ng mga ito.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizen.
"Nakakaiyak nmn to! I can't imagine, what kind of feelings their children have, leaving their parents behind with this kind of situation! I feel soo sad...!!!"
Nakakaiyak nmn to [crying emojies] I’d been it that situation but I still love my parents I did everything to make them happy hanggang sa huling sandáli ng kani kanilang mga buhay ibinigay Ko lahat ng pang unawa At ipinaramdam ko kung gaano ko sila kamahal dahil kung hindi sa kanila wala ako ngayon sa kinatatayuan Ko gaano man kasama mga magulang mo still magulang mo pa rin sila just saying [smiling emojies]
"Hay. Nakakaawa ang sitwasyon. Pero parehas pa sila may bÃsyó. Sa mga anak wag niyo naman tiisin ang magulang niyo. Kahit maliit lang na kubo para sa parents niyo."
Panoorin ang video na tiyak aantig sa inyong puso.
Source: The Philippine Times












