Normal na sa ating mga Pilipino ang makakita ng mga bata sa lansangan na tila ba hinayaan na nag kanilang mga magulang na ito marahil sa kahirapan ng kanilang buhay kung kaya't nagtitiis ito sa lansangan upang kahit papaano ay magkaroon ng ipanglalaman sa kanilang tiyan. Ngunit marami sa atin ang hindi batid ang totoo o eksaktong dahilan kung bakit mayroong mga batang namamalimos.
Marahil ay mag mabigat na dahilan kung bakit may mag kawáwang bata na imbis na nasa loob ng kanilang tahanan at ligtas ay mas piniling manatili sa kalye upang manghingi ng pera sa mga tao.
May isang concerned citizen and nagbahagi ng nakakalungkot na balita, sya ang nagngangalang Pearl Jhene David. Ipinost niya ang larawan ng dalawang magkapatid na nadaanan niya sa San Matias malapit sa over-pass ng SM/Robinsons Starmills. Namamalimos ang dalawang kawawang bata habang nakasuot ng plastik.
Ayon sa salaysay ni Pearl, namamalimos umano ang magkapatid para may pangbili ng gamót sa karamdaman ni Santino dahil ito ay mayroong såkit sa bato.
Ayon naman sa nakatatandang kapatid na si Aldin, kaya umano nila nagawang mamalimos ay hinihintay nila ang kanilang ina dahil nangangalakal ito. "Wala po kasi si mama, nangangalakal pa po, mamaya pa po iyon uuwi."
Halos maiyak si Pearl dahil sa awa nang makita ang dalawang magkapatid na nilálágnat at nanginginig dahil sa sobrang ginaw, natutulog pa ng mahimbing ang nakababatang kapatid na si Santino kahit na malamig ang hagdan.
Nagbigay umano si Pearl ng tulong para sa magkapatid at nagbigay din umano siya ng kanyang numero para kung sakaling mahanap pa umano siya ng paraan para matulungan ang magkapatid, ay madali niya itong mahahanap.
Narito ang kanyang buong post.
Source: The Philippine Times







