Ipinahayag ni Dani barretto ang kanyang saloobin at opinyon sa mga báshérs na may hindi magandang sinasabi sa kanyang panlabas na kaanyuan at ang mga nagkukumpara sa kanya at sa kanyang mga kapatid na si Julia Barretto at Claudia Barretto.
Sa isang vlog ng celebrity doctor/ dermatologist na si Dr. Vicky Belo, nakausap niya si Dani Barretto at ang asawa nitong si Xavi Panlilio. Sa gitna ng panayam, ikinwento ng mag asawa ang tungkol sa kanilang relasyon.
Ibinahagi rin ni Dani ang tungkol sa mga báshérs na walang sawang kinukumpara sya sa kanyang mga kapatid.
“’Diba they always say na pag magaganda kapatid mo you tend to compare yourself to them. That never happened to me because my siblings always showed me a different kind of respect. That I should never ever feel that way… and then people would always say, ‘bakit ganun, yung mga kapatid mo ang ganda, ikaw hindi.’” Kwento ni Dani.
“Parang nahiya na ako at one point na mag picture ng sarili ko sa social media. Sa vlog ko parang nahihiya na ako… It’s just hard na parang, you feel beautiful today tapos pag nag post ka ng picture, everybody will tell you otherwise. So masa-shutdown ka na.” Ayon kay Dani.
Narito ang buong video ng panayam kay Dani at Xavi.
Source: The Philippine Times







