Thursday, August 12, 2021

Dalawang ektarya ng kagubatan, sínírà di umano ng 'primitive builders' para sa kanilang content sa Youtube.

0

Nakakatuwang panoorin ang mga videos sa Youtube at sa iba't ibang social media sites ang mga video ng mga lalaking gumagawa ng iba't ibang bagay tulad ng swimming pool, bahay, lutuan, palaruan sa kagubatan. Nakakamangha itong panoorin dahil sa sinaunang paraan ng pag gawa ng mga bagay na ito.

 Ipinapakita sa kanilang video na putik, halaman at mga kahoy lamang ang kanilang ginagamit ngunit nakakalikha sila ng nakakamanghang mga bagay. Gamit lang din ang kanilang kamay at mga kawayan ay mabilis silang nakakapaghukay.


Ngunit nadiskubre ng bagong may ari ng 'mini forest' na ito na lahat ng ipinapakita sa video ng mga 'primitive builders' na ay pawang kasínungålingån lamang.


Mula sa bansang Cambodia ang mga Primitive boys na ito na talaga namang nagpamangha at nakapukaw ng atensyon ng madla.

Kung nakapananood ka ng ilan sa kanilang mga video ay talaga namang mamamangha ka dahil sa kakaibang lakas at abilidad na  kanilang ipinapamalas.

Ngunit ibinunyag ng isang Youtube page na Amazing Cambodia by PhotoXpression ang lihim na ginagawa ng mga ito. Bumibili sila ng maliliit na gubat sa Cambodia at doon pineke ang kanilang "primitive videos."

Nagulat ang grupo na nasa likod ng  Amazing Cambodia channel dahil sa kanilang nadiskubre dahil sa pinsålå na iniwan nito sa kagubatan. Marami silang nakitang abandonadong swimming pool na naging pàngànib na sa  buhay nga mga hayop na naninirahan doon.



Gayunpaman, makikita sa kanilang mga video na ginagamit nila ang kanilang mga nilikha na gawa umano sa termite cement o semento na gawa sa bahay ng anay o punso ngunit ang katotohanan ay gumamit talaga sila ng totoong semento dahil maraming nakitang sako ng semento sa paligid ng swimming pool na kanilang ginawa. 


Gumagamit rin sila ng water pumps upanag aga na mapuno ang mga swimming pool na kanialng gianagawa. Ngunit ang nakikita sa video ay nagiigib lamang sila sa ibang ilog.

Ipinapakita rin nila na gumagamit sila ng iba't ibang uri ng dahon upang magawa ng pintura, ngunit ang katotohanan  ay gumagamit sila ng totoong pintura upang mabigyan ng kulay ang kanilang mga istruktura.

Inaangulo lang umano ng maayos ang camera upang hindi makita ang mga pandàràyà na kanilang ginawa.

Tinatayang mahigit dalawang ektarya ng kagubatan ang sinira ng mga youtubers na ito upang makagawa ng kanilang content. 

Kumita ng milyong milyong dolyar ang mga ito dahil karamihan sa kanilang mga video ay talaga namang hinahangaan at kalimitang nagva-viral. Sa kanilang nga tagumapay at kayaman na kanilang tinatamasa ay hindi man lamaang naisipan ng mga ito na ayusin ang mga kagubatan matapos nilang gawin ang kanilang content.


Narito ang ilan sa reaksyon ng netizens.








Narito ang video:






Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment