Pinababilis na ng gobyerno ang kanilang operasyon upang mabigyan ang bawat Pilipino ng bakuna ito ay upang maprotektahan ang mamamayan laban sa CòvÃd 19. Puspusan ang pagtatrabaho ng DOH o Department Of Health upang mas dumami ang mabakunahan sa loob isang araw.
Ngunit hanggang ngayon marami parin talaga sa ating mga kababayan ang hindi pa nababakunahan dahil sa hirap kumuha ng slot o schedule upang sila ay mabakunahan. Ang iba ay nakikipagsapalaran at pumipila kahit walang schedule o walk-in upang kaagad silang mabakunahan.
Kaya't swerte ng maituturing pag ikaw ang naging 'fully vaccinated' o tapos ng bakunahan ng una at pangalawang dose.
Ngunit may ilan na tila ba hindi masaya dahil sa dalawang dose na kanyang natanggap.
Dumulog ang isang babae sa tanggapan ni Raffy Tulfo, sya ay nagngangalang Cecille Lyn Quirino. Ang babaeng ito ay taga Aurora Province. Nakatanggap umano ng magkaibang brand ng CòvÃd'19 vaccine para sa 1st at 2nd dose si Cecille
Sa kanyang kwento, nakatangap siya ng Sinovac bilang kanyang unang dose noong Hunyo. Sa ikalawang dose niya, inaasahan na niyang Sinovac muli ang kanyang matatanggap ngunit laking gulat ng babae dahil ang natanggap niya ay ang brand na Janssen.
Ayon sa salaysay ni Cecille sa tanggapan ni Raffy Tulfo, labis ang kanyang pangamba dahil marami syang nararamdaman matapos maturukan ng Janssen vaccine. Hindi na umano normal ang pabalik balik na sákÃt ng kanyang ulo.
"Actually sir ang nangyari po nung araw na 'yun, ang alam pong naiturok nung nagva-vaccine is Sinovac po, and then, Miyerkules po kasi 'yun Sir Raffy, then by Saturday tinawagan po ako na nagkamali daw po pala sila ng naiturok sa akin which is hindi po Sinovac kundi Janssen po."
Dagdag pa nya, nung natanggap nya ang Sinovac vaccine ay halos wala siyang naramdaman ngunit kinabahan siya matapos ang ikalawang dose na Janssen dahil kakabaiba at hindi na normal ang pakiramdam nya sa kanyang katawan.
Sa tulong ng tanggapan ni Raffy Tulfo, isinangguni nila ang nangyari kay Cecille sa Head Vaccine Expert Development Panel ng Department Of Science and Technology na si Dr. Nina Gloriani, MD, MSc, PhD.
Ngunit sinabihan parin siya na pag tumagal ang pananakit ng kanyang katawan ay wag mag atubiling magtungo sa pagamutan upang ito ay matignan kaagad.
Sa ngayon, ipinamomonitor na ni Tulfo si Cecille sa Head ng Rural Health sa Dipaculao, Aurora na si Dr. Arturo Parilla.
Pinaalalahan ni Tulfo si Dr. Parilla na sa susunod ay maging maingat na ito sa pagbibigay ng bakuna sa kanilang lugar upang hindi na maulit ang ganitong mga insidente at hindi na rin maulit ang ganitong mga pangamba.
Narito ang ilan sa rekasyon ng mg netizen sa nangyari.
Narito ang kabuuan ng video.
Source: The Philippine Times














