Friday, August 13, 2021

30 na babae sabay sabay na ginawang girlfriend ng isang lalaki.

0

Matapos ibahagi ang kanyang karanasan tungkol sa panlòlòkò  sa kanya ng kanyang dating karelasyon, ay nagulat ang dalagang si Liezel Chu sa dami ng mga babaeng nag message sa kanya na  nakaranas ng parehong bagay.

Naging kaibigan pa umano ni Liezel ang hindi bababa sa tatlumpu (30) na mga babae na nilòkò ng iisang lalake. Pareparehong gumagamit ang mga ito ng isang dating app.


Ayon sa report ni Abby Espiritu ng "Stand For Truth," nagulat si Chu sa dami ng babaeng nagmessage sa kanya at sinabing nalòkò rin sila ng iisang lalaki, na gumamit ng isang dating app upang makilala ang marami sa kanila.


“Nu’ng month namin, ina-alternate pala niya. So kunyari this day, then tomorrow, then ako,” Saad ni Chu.

Karamihan sa mga babaeng ito ay nakilala ang nasabing lalaki sa isang dating application.


“Ang intensyon ng group chat is ma-validate ‘yung feelings namin. Si guy nga magaling siya mag manipulate, baka akala nila nung time na ‘yun baka sila ‘yung nag-crazy,” Dagdag pa niya.


“The fact na marami palang babae ‘yung nag-speak up tapos pare-parehas ng experience, nakakalakas ng loob,” kwento pa niya.


Sinabi ni Chiu na ang unang ex-girlfriend na nag-reach out sa kanya ay nagngangalang Patricia Gonzales.


Dumaan umano si Gonzales sa depresyon at kinwestyon ang sariling halaga dahil sa naranasan sa lalaking knayang nakarelasyon.

“Ang nauna kong naisip was bakit? Ano ‘yung hindi ko naibigay. Ano ‘yung mali sa akin, ano ‘yung kulang, diba?” Saad ni Gonzales.


“So having that support group or having that group chat na parang nakakampante ako na, okay, wala akong ginawang mali, wala akong ginawang kulang, walang mali sa akin,”Dagdag pa niya.


Samantala, sinabi naman ng isa sa mga babaeng bíktíma na nakatulong ang group chat na kanilang nabuo uoang matulungan ang bawat isa.

“One is support sa amin, sa aming mga babae na naloko niya. I wanted to know what happened to the girls kung ano ‘yung ginawa niya, kung pare-parehas ba kaming ng sitwasyon,” saad niya.


Ayon kay Aiza Caparas-Taboboyong, isang family and relationship consultant, ang naging karanasan nilang ito ay isang paraang umano upang matuto sila.


“Hopefully, you don’t fan, you know, hindi natin pinapalaki ‘yung pain ng bawat isa. Pero tinutulungan natin ‘yung bawat isa na mag hilom ng mas mabilis na mag hilom ng kaagad and to pick up the lessons. So empower each other,” Ayon pa kay Taboboyong. 



Narito ang ilan sa mga mensahe ng mga babaeng nabiktima ng naturang lalaki.




Narito ang kabuuan ng video.


Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment