Sa industriya ng show bussines hindi maiiwasan ng mga sikat na personalidad na masangkot sa ibat ibang kontrobersyal na isyu. Simpleng galaw lamang nila ay maari ng gawan at pagmulan ng kakaibang kahulugan at tsismis ng ibang tao.
Dahil dito marami sa mga sikat na na artista ang hindi na lamang pinapanasin ang mga ganitong mga usapin upang hindi a masyadong uingay o mawala na ang isyu sa kanila.
Ang batikang aktor at host na si Vic Sotto ay hindi rin nakaligtas sa mga mapaminsalang mga balita. Kahit pa matagal ng kasal si Vic kay Pauleen Luna, ay hindi parin ito tinatantanan ng mga isyu. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang di umanoy namamagitan kila Julia Clarete at Vic Sotto.
Magkakasama sa noontime show na 'Eat Bulaga' sina Julia, Pauleen at Vic. Ayon sa kumakalat na tsimis, di umano'y may kakaibang namamagitan sa dalawa. Ito ay agad na kumalat at naging trending pa sa ibat ibang social media sites.
Sa isang episode ng Eat Bulaga nitong nakaraang Sabado July 10, tila ba nagpasaring si Bossing at asawang si Pauleen sa mga nagpapakalat ng tsismis at fake news.
"Eto ang hugot ko for the day, sa mga nagsa-cyberbully o gumagawa ng fakenews o naninira ng tao sa social media lalo na sa ibang paraan. Lagi yong tandaan na may nasasaktan kayo, at iyan ay pagbabayaran ninyo. Huwag ninyong isipin na dahil pinalalagpas lang ng iba ay mahina o nadududuwag."
Ang tinutukoy ni Vic ay ang pagkakasangkot nya kay Julia Clarete. Nabuntis umano niya ito at sinampahan ng kaso. Maging ang misis ni Vic na si Pauleen ay hindi nakaligtas sa malisyósong balita. Dahil dito ay hindi na nakapagpil ang Eat Bulaga host at nilinaw ang mga bagaytungkol sa isyu.
Nagbanta rin si Vic sa mga nagpapakalat ng malisyosong balita tungkol sa kanya at kanyang pamilya.
"Nakikita kayo. Tandaan ninyo yan, nakikita kayo, at hindi natin 'yan palalampasin. Darating ang araw na may paglalagyan kayo. "Ito ang huli...'nyo! Abangan, abangan nyo 'yan. Yung mga nambubully o namemeyk news abangan 'nyo!"
Narito ang video.
Source: The Philippine Times









