Monday, July 19, 2021

Security Guard, nagbisikleta ng mahigit limang kilometro maisauli lamang ang napulot niyang wallet, niregaluhan ng kotse!

0

Ang pagiging mabuti at tapat sa kapwa ay tiyak may magandang kapalit. Madalas ay nasusuklian ito ng pagpapala at nag uumapaw na biyaya. Para sa maraming tao wala ng hihigit pa sa pakiramdam  na makatulong sa kapwa ay bukal sa kalooban at walang hinihingi o inaantay na kapalit.

Ang magandang halimbawa nito ay ang security guard na nagmula pa sa Waiehu, Hawaii na si Aina Jose Townsend. Si Aina ay nagbisikleta ng halos limag kilometro upang maibalik ang pitakang naiwan ng kanilang customer.

Hindi inasahan ng mag asawang Chloe at Gray Marino ng bigla na lamang itong kumatok sa kanilang pintuan.

Ayon sa kwento ni Chloe, nagmamadali umano siyang  mag grocery kasama ang kanyang limang buwang gulang na sanggol ng di nya namalayan na nawala na pala ang kanyang wallet.


"I was shocked at first. I didn't even realize I had lost it. He definitely went out of his way for a complete stranger which was so amazing," kwento ni Chloe

Tinatayang nasa isang oras nagbisikleta si Aina sa matatarik na daan para lamang maibalik ang napulat niyang wallte ni Chloe.

Labis ang pagpapasalamat ng mag asawa sa security guard at hindi nila mapigilan ang sariling humanga rito.

Dahil sa lubos na paghanga at pasasalamat ay ipinost ni Gray sa kaniyang facebook account ang kabutihang loob na ginawa ni Aina para sakanilang mag asawa na agad namang nag viral.

"He literally rode his bicycle to return her wallet. Completely full of everything important to her including cash. Nothing was so much as moved," pahayag ni Gray.

Isa sa malapit na kaibigan ni Gray na nagngangalang Greg Gaudet at humanga rin sa kabutuhang ginawa ni Aina. Gumawa ito ng GoFundMe Campaign, dito ay sinubukan nlang makalikom ng $5,000 upang makabili ng kahit second hand na sasakyan at iregalo ito sa sekyu. Balak nila itong iregalo bago sumapit ang bagong taon.

"Gray and I would like to raise $5,000 so we can buy Aina a used car before New Year. It's probably a long shot, but he deserves it, and Gray and I will be the first to contribute," saad ni Greg.

Sa di inaasahang pagkakataon nakalikom sina Greg at Gray ng higit sa $5000. Sa dami ng tumugon sa kanilang panawagan ay nakalikom sila ng humigit kumulang $23,000 sa nakalipas lamang na anim na araw.

"Thank you everyone for your generous donations!!! We have been BLOWN away by everyone's love and generosity. We were just hoping to raise at least $3,000. I just cannot believe we're approaching $23,000,"

Sa ngayon ay umabot na ang donations sa $25,416.


Di mapagsidlan ang tuwa ng sekyu at nagpasalamat ito sa mga nagbigay ng donasyon sa GoFundMe. Sinabi niyang napakalakig bagay sa kanya na napalitan ng kotse ang kanyang bisikleta na araw araw niyang ginagamit sa loob ng limang taon.



"It means a lot. It's not only about having a better transportation, I can do more stuff for my family now. That's the bigger part of the picture," saad ni Aina.






Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment