Monday, July 12, 2021

Robin Padilla, sinabihan ang anak na si Kylie na pag-Muslimin na lamang ang asawang si Aljur Abrenica

0



Nagbigay ng payo ang action star na si Robin Padilla sa kanyang anak na si Kylie Padilla. Ito ay patungkol sa asawa nitong si Aljur Abrenica.


Sa part 2 ng panayam ni Ogie Diaz kay Robin inamin nito na wala siya sa lugar upang manghimasok sa pinagdaraanan ng relasyon ng kanyang anak na si Kylie sa asawa nitong si Aljur.


Deretsahang sinabi ni Robin na wala siyang balak na panghimasukan ang gulo at paghihiwalay ng dalawa.

Aniya wala siyang karapatan para pangaralan ng sobra sobra nag mag asawa.


Ang tanging magagawa lang umano niya ay suportahan ang kanyang anak sa desisyon nito ngayong hiwalay na sila ni Aljur. Gusto rin daw niyang siguraduhin na nasa maayos na kalagayan ang kanyang anak at mga apo.

"Pag dating sa marriage ano bang maaadvise ko? E, failure din kami ng mama nya. Anong credibility ko?" Pahayag ni Robin.

"Sabi ko, 'Pag muslimin mo nalang si Aljur." 


Dagdag pa ni Robin, "Sabi ko sa kanya mahirap yung ganyan ang sitwasyon ng puso mo tapos wala kang gagawin. Dapat mag ensayo ka ibalik mo yung fighting spirit mo!"

"Lumaban ka ulit. Fighter kasi 'yan. Balik mo 'yung dati mo"


Hindi naman tutol si Robin sa pag distansya nina Kylie at Aljur sa isa't isa. Ito ay upang makapag isip-isip umano ang dalawa sa mga bagay bagay.


Sinabi rin ni Robin na hindi naman nawawala ang kanyang pag asa na muling magkakabalikan ang mag asawa.


"Pero sana 'wag ng tumagal. Kung magbabalikan sila, wag na nilang patagalin. Kailangan kaagad."

Nauna rito, sinabi rin ni Binoy na pinagsabihan din niya sina Aljur at Kylie na itigil na ang pagpo-post sa social media ng tungkol sa mga problema nila.


Narito ang video:

 

Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment