Nitong nakaraang linggo lamang ay isiniwalat ni Robin Padilla na ang kanyang anak na si Kylie Padilla at asawa nitong si Aljur Abrenica ay hiwalay na. Sinabi ni Binoy na third party ang dahilan ng hiwalayan.
Ayon din sa aktor wala umano siyang karapatan upang makialam sa relasyon ng dalawa kung kaya't hindi sya ang dapat mag ayos sa away ng mag-asawa.
Tinanong ni Ogie Diaz si Robin kung kinausap niya ang son-in-law na si Aljur tungkol sa hiwalayan nila ni Kylie. Sumagot naman ang action star na hindi nya ito kinwestiyon. Ayon sa kanya sa panahon ngayon ay natural na sa isang lalaki ang matuksó sa ibang babae, lalong lalo na kung ang lalaki ay nasa showbiz din.
Dahil sa mga pahayag ni Robin, marami ang tumaas ang kilay at hindi nagustuhan ang kanilang narinig at napanood. Isa na rito ang vlogger at influencer na si Rendon Labador kung kaya't nag iwan ito ng komento.
Matatandaang ang unang beses na nagkomento ang vlogger na si Labador ay sa facebook page pa ng Philippine Star. Sa pagkakataong ito, muli syang namataang nagkomento sa facebook page naman ng ABS-CBN News.
Ayon sa kanyang komento, lahat naman umano tayo ay nagkakamali. Ngunit ang pag dedepensa at pagpo-promote umano na tama ang ginawa ni Aljur at normal lang ito, iyon ang hindi tama.
Dagdag pa ni Rendon, kung siya daw ang nasa katayuan ni Robin, sasámpálin daw nya si Aljur at sasabihing, “oo, nagkamali ako kaya huwag mong gayahin.”
"Mali na nga gagaya kapa! Tánga kaba?" dagdag pa ng komento niya.
Narito ang video.
Source: The Philippine Times









