Friday, July 16, 2021

OFW na tinulungan ni Raffy Tulfo na makauwi ng Pilipinas, pumånåw sa kalagitnaan ng byahe pauwi ng Pilipinas!

0

Isang kababayan natin na nagtatrabaho sa Saudi Arabia ang humingi ng tulong sa programa ni Idol Raffy Tulfo upang makauwi sa Pilipinas. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang hindi na ito makakabalik ng ating basa sapagkat ito ay nawala na dahil sa kanyang karamdaman.

Ang pangalan ng OFW na humihingi ng tulong ay Leonida Morales. Sa panayam sa kanya ng nasabing programa sinabi ng OFW na mayroon siyang matinding karamdaman na iniinda. Dahil sa kagustuhan niyang makapiling ang kanyang mga mahal sa buhay sa mga ganitong oras ng kagipitan, napagdesisyunan niyang lumapit sa programa ni Raffy Tulfo at umaasang matulungan siyang makauwisa kanyang pamilya sa Pilipinas.


Matapos marining ang hinaing ng kababayan natin, ay kaagad naman siyang tinulungang makauwi sa ating bansa ng batikang news anchor. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay napabalitang ito ay sumåkabilång buhay sa kalagitnaan ng kanyang byahe pauwi ng bansa.


Noon pa raw nais umuwi ni Morales dahi sa iniinda nitong karamdaman. Ayon naman sa mga kaanak nito, hindi raw nito nagawang makapagpagamot sa Saudi sapagkat napakamahal ng gamutan doon.


Sa tulong ng ibinigay ni Raffy Tulfo at programa nito, nagkaroon ng pag asa ang lahat na makakauwi na sa Pilipinas si Morales at sa wakas ay makakapiling na ang kanyang pamilya. Ngunit dahil sa di inaasahang pagkawala ng OFW ay kailan man ay hindi na niya makakapiling ang kanyang pamilya.

Ang OWWA o Overseas Workers Welfare Administration ang nagpaabot ng nakakalungkot na balitang ito sa pamilya ng OFW.


Nang bisitahin ng reporter ng Raffy Tulfo ang pamilya ni Morales ay hindi rin nito napigilang malungkot sa sinapit ng ating kababayan.


"Napakabigat din po sa loob ko, hindi natin po inaasahan na yun ang mangyayari dahil noong kausap ko pa si Ma'am ay sinabi ko pa sa kanya na update niyo po ko once na nakalapag kayo, nagme-message din po kami sa kaniya".


Dagdag pa niya, "Tapos ngayon noong tumawag samin sa mga staff na yun ang nangyari, nakikiramay po kami".

Sa huli ay nangako si Raffy Tulfo na tutulungan nila ang pamilya nai Morales na makuha ang mga benepisyo na nararapat sa kanya mula sa kanyang dating pinagtatrabahuhan.

Narito ang kabuuan ng video.



Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment