Maingay na pinaguusapan ngayon sa social media ang isang kawawang OFW o Overseas Filipino Worker. Ayon sa balita nakapagtapos ito bilang isang architect at nagtrabaho bilang Quality Control sa loob ng 21 taon sa Saudi Arabia.
Ang lalakin ito ay nagngangalang Ramon, hindi na nito nagawang makapag asawa dahil ginugol lang niya ang lahat ng kayang panahon at lakas sa pagtatrabaho.
Gamit ang kanyang kinikita noon sa ibang bansa ay pinag aral nya lahat ng anak ng kanyang mga kapatid sa Pilipinas. Halos lahat ng sahod at mga bonus nito ay napupunta sa kanyang mga kapatid at mga pamangkin.
Naging masay naman si Ramon sa paglipas ng panahon, dahil maganda naman ang naging resulta ng kanyang naging pagtulong sa kanila. Dahil sa kanya ay nakapagtapos ng kolehiyo ang kanyang pamangkin at nagkaroon ng magandang trabaho.
Dahil narin sa naging gasto niya sa pagtulong sa mga ito ay halos wala ng naipundar para sa sarili si Ramon. Napilitan na siyang umuwi sa Pilipinas dahil may iba na siyang nararamdaman sa kanyang katawan. Ngunit ang hindi niya inaasahan, ay wala ni isang kamag anak na natulungan niya ang gustong mag alaga at kumupkop sa kanya.
Labis ang naramdamang lungkot ni Ramon dahil mahigit 21 na taon siyang nagtatrabho sa abroad na ang tanging iniisip lamang ay ang makatulong sa kanyang mga kamag anak sa Pilipinas dahil nagmamakaawa ito upang tulungan niya.
Sa ngayon, wala ng kapera pera si Ramon, dahil dito ay nawalan narin siya ng kamag-anak na pwedeng sandalan sa oras ng pangangailangan. Napagtanto niya na kahit tinulungan niya ang kanyang mga kapatid na magkaroon ng magandang buhay at ibinuhos niya ang lahat ng kanyang panahon upang tulungan ang mga ito ay wala na siyang maaasahan pa at hindi na nito masusuklian ang kabutihan ginawa niya para sa kanila.
Nakapanayam ng nagngangalang Aileen si Mang Ramon na ngayon ay palaboy laboy na sa Luneta. Sinabi pa nitong kaya siya naroon dahil nakuha ng lahat ng kanyang mga kamag-anak ang lahat ng kanyang pera kung kaya't pinalayas na sya ng mga ito. Sinabi pa nya na kahit nakatapos siya ay hindi na niya kayang makapghanap buhay dahil sa såkit na iniinda. Humihingi na lamang ito ng limos sa mga taong nagdaraan sa Luneta Park.
Source: The Philippine Times