Hindi makapaniwala ang aktres na si Kris Bernal ng dumugin siya ng mga food delivery riders mula sa mga fake booking.
Nagpost si Kris sa kanyang Instagram account nitong nakaraang sabado ng gabi. Dito ay ibinahagi niya ang napakaraming pagkain na dumating sa kanilang bahay.
Ipinadala ito sa kanya ng isang food delivery service na hindi naman niya umano inorder.
Ayon sa kayang caption sa ipinost an IG video, maririnig ang isang delivery rider na kausap ang isang babae at sinasabing hindi sa kanyan ang booking.
"FAKE GRAB BOOKING" ito ang umpisa ng caption ng aktres.
Sinabi ng aktres ang pangalan ng nagbook sa grab at nagpadeliver ng pagkain.
"As of 8:02PM, a total of 23 GRAB FOOD DELIVERIES all from the same name, JEN JEN MANALO - 0951-0652215 (praying emoji)"
Humingi ng tulong ang aktres sa netizens upang mai-report ang sandamakak na fake booking mula sa delivery service.
Sa huli sinabi ni Kris na wala umano siyang nakaaway o natatandaang ginawang masama upang pagtripan siya ng taong gumagawa nito. Nakiusap siya na sana ay hindi na maulit ito at mahuli na ang gumagawa nito.
Narito ang buong pahayag ni Kris sa kanyang post.
Source: The Philippine Times












