Wednesday, July 28, 2021

Herlene Budol, may masakit na natutunan sa pagpasok nya sa showbiz

0

 Nang dahil sa pandemya, hindi maiiwasang maraming pamilya ang naapektuhan ang kabuhayan. Mahirap man o mayaman ramdam na ramdam parin ang hirap ng buhay sa panahong ito. 

Maging ang mga sikat na artista ay naranasan din ang hagupit ng pandemya sa mundo. Isa na sa kanila ang sikat na host-comedian na si Herlene Budol. Mas kilala si Herlene bilang si "Hipon Girl" sa game show na 'Wowowin.'

Kamakailan lamang ay nakapanayam ng Multimedia star na si Toni Gonzaga ang dating host. Sa isang segment ng kanyang Youtube channel na 'Toni Talks', isiniwalat ni Herlene ang lahat ng kanyang pinagdaraanan ngayong pandemic.

Habang nagkwe-kwento ay hindi napigilan ni Hipon Girl na maging emosyonal habang inaalala ang mga pagsubok na dinaranas sa kasalukuyan.

Kwento ni Herlene, nasimot ang kanyang ipon na P100,000 dahil nagpandemic. Sinabi ni pa ng dalaga na naipon niya ang perang iyon noong nagtatrabaho pa siya bilang host sa ng Wowowin.

Ngunit dahil sa hirap ng buhay at wala ring pinagkukunan ang kanyang lolo at lola, napilitan umano siya na galawin ang kanyang naipon na pera upang may magamit sila sa araw na araw na gastusin at pangangailangan nila.

"Buti nga nag ipon ako, kung hindi wala pätáy na kami ng pamilya ko dahil sa pandemic na to. Syempre buong angkan ko sa akin naka asa. Talagang walang wala. Nagka anxiety ako. Umiiyak ako araw araw. Dumating ako sa punto na parang ayoko na. Walang wala na talaga. Back to zero kami." Pahayag ni Herlene.

Ayon pa kay Herlene, dalawang taon pa lamang siya sa industriya ngunit naramdamn agad niya na hindi panghabang buhay na hanapbuhay ang pag aartista. 

Malaki ang pasasalamat ni Hipon girl kay Alex Gonzaga dahil ito ang tumulong sa kanya upang makapagsimulang makapag-vlog. Umabot na ng milyon ang kanyang mga subscriber sa kanyang Youtube channel dahil sa tulong ni Alex ngunit hanggang ngayon ay wala parin umano siyang nakukuhang sahod mula rito.

"Totoo 'yung sinasabi. Hindi habang buhay nasa TV ka. Dalawang taon palang ako, tignan mo wala na kaagad. Ang hirap, ang hirap din umasa. Naging kampante din po kasi ako. 'Uy baka sa susunod meron na ako'. May kumuha sakin pag tinaggal ako dito, pero zero totally." Paglalahad ni Herlene

Sa sobrang pagkahabag at awa ni Toni sa naging kwento ni Hipon Girl ay nangako itong lahat ng kikitain ng vlog na kasama si Herlene ay mapupunta lahat sa dalaga upang makatulong sa pang araw-araw nito

Narito ang buong panayag ni Toni Kay Herlene.



Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment