Tila ba papasukin narin ng ex-fiancé ni Scottie Thompson na si Pau Fajardo ang mundo ng Showbiz!
Noong nakaraang buwan naging maugong usap-usapan tungkol kay Scottie Thompson at Pau Fajardo.
Ito ay dahil sa kontrobersyal na pagpapakasal ni Scottie. Hindi siya nagpakasal sa fiancé na si Pau kundi sa ibang babae.
Pinakasalan ng Barangay Ginebra star player ang stewardess na si Jinky Serrano sa isang private ceremony sa Las Piñas noong unang linggo ng Hunyo.
Dahil dito, maraming PBA fans ang nagulat sa nangyaring kasalan nina Scottie at Jinky.
Matatandaang nitong new year's eve lang nagpropose ng kasal si Scottie kay Pau.
Ngunit marami ang nagulat sapagkat nitong buwan ng Abril ay nagdesisyon ang dalawa na tapusin ang kanilang relasyon.
Nagbigay naman si Pau ng kanyang pahayag ukol sa isyu, at ninais niyang mag-move on na lang sa mga nangyari.
Sa kanyang Instagram post kamakailan ay sinabi niyang iyon ang una’t huli niyang pahayag.
Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na kinaharap ni Pau ay tila unti unting may magagandang bagay na bumabalik.
Nagtrending sa social media kamakailan lamang ang usap-usapan na papasukin narin ni Pau ang mundo ng showbiz.
Ito ay matapos na mamataan siyang kasama ang big boss ng Viva Management na si Vic Del Rosario.
Tila ba pinag uusapan na ng mga ito ang pagpasok ni Pau sa showbiz.
Kung kaya't marami sa mga fans at taga suporta ni Pau ang nauwa sa balitang ito.
Narito ang ilan sa kanilang komento.
"Congrats Ms Pau. Sabi nga sa Bible " When the time is right , I, the Lord will make it happen " talagang Hindi pa talaga sayo yong pag aasawa , everything happens for a reason kasi May mas malaking Plano pa si God sayo kaya ok lang na di natuloy yon, may nagbukas naman Ng magandang opportunidad sa buhay mo , in the right time, makapag asawa ka rin Ng mas higit pa doon sa nawala maniwala ka."
Source: The Philippine Times













