Alam ng lahat sa atin na ang susi upang makapagtapos ng pag aaral at makamit ang ninanais na pangarap sa buhay ay ang pagpupursigi at tyaga.
Bukod sa ating mabubuting magulang, nandiyan din and ating magigiting na guro na siyag tumatayo bilang pangalawang magulang. Sila ang nagiging gabay natin upang makamit ang rurok ng ating mga pangarap.Gayumpaman, isa rin sila sa mga labis na nasasaktan at nalulungkot sa tuwing may mga estudyanteng namamaalam na labis ng napalapit sa kanila at nagsilbing inspirasyon nila upang pagbutihin ang pagtuturo at maging isang butihing guro.
Isa na rito ang mabuting guro na si Teacher Josephine Lanceta Ulitin, marami ang naatig at naging emosyonal nang ibahagi niya ang isang post sa kanynag Facebook account. Ibinahagi niya angang kanyang lihampara sa kanyang estudyante na si Loyd Jerome Conde. Mayroong medical condition si Loyd. Sa mismong araw umano ng kanayng moving up day ay bumungad sa kanila ang nakakalungkot na pamamaalam nito sa mundo.
Narito ang Liham ng guro para sa kaniyang mahal na estudyante:
"Ito na ata ang GREATEST HEARTBREAK ko in my 5 years as a teacher.
Gusto ko fair sa lahat kaya naman wala akong favorite student, maliban sa iyo anak Loyd Jerome Conde. Sa iyo lang ako nagkaroon ng favorite at alam iyan ng lahat ng mga kaklase mo. Sobrang Special ka sa amin, tanggap nila na iba ako pagdating sa iyo.
Sa loob ng isang taon sa face to face class last year, wala ni isa ang nakapåmbü1Iy o nåkasåkit sa iyo kasi alam nilang lahat na magwåwåla talaga ako sa room kapag ikaw ang kinåntí nila, pero kahit hindi ako magalit nakita ko anak na minahal at tinanggap ka ng lahat ng mga kaklase mo.
May medical condition ka pero gustong gusto mo na makapagtapos. Tandang tanda ko noon , ililipat ka sana ng ADM para sa bahay ka na lang mag aaral pero ayaw mo kasi sabi mo masaya ka sa room. Tapos ililipat ka sana ng section kasi sa 4th floor yung room natin , naaawa ako sa pag akyat baba mo pero sabi mo "Ayaw mo kasi gusto mo ako ang teacher mo ".
Gusto mo na lagi pumapasok kahit na may sak1t ka. Mahina yung katawan mo kaya sabi ko hindi ka na kasali sa cleaners, pero pag uwian nakikita kita na nauuna pang maglinis.
Kanina habang nanunuod ako ng virtual moving up ang dami sa kaklase mo na honor ngayon pero iba yung saya ko nung nakita ko ang pangalan mo. Ikaw nga lang binati ko ng special sa GC natin kasi anak tandang tanda ko yung sinabi mo sakin na gusto mong makagraduate. Kaya ang sakit anak na sa mismong araw ng graduation mo ay iniwan mo na kami.
Rest in God's Paradise anak, doon wala ng pain. Sana sa huling taon mo ng face to face class last year ay naiparamdam namin sa iyo na mahal at tanggap ka namin kahit ano ka pa. Sobrang proud ako sa iyo anak, mahal na mahal ka namin ng buong Bonifacio Family mo."
Source: The Philippine Times