Marami ang nagulat sa biglaang paglipat ni Bea Alonzo sa Kapuso Network. Matatandaang parami na ng parami ang mga artista ng Kapamilya network ang nasusubok ang katapatan dahil sa nangyaring pag shut down ng ABS-CBN. Ang iba sa kanila ay lumipat sa TV5 at ang ilan ay sa GMA network.
Nito lamang ay napabalita ang paglipat ng ilang artista na sina John Lloyd Cruz at ang batikang komedyante na si Pokwang. Nungit mas malaki ang ingay na nagawa ng paglipat ng isa sa biggest star ng ABS-CBN na si Bea Alonzo.
Tuluyan na ngang pumirma ng kanyang 3-year contract ang 33-year old na aktres na Kapuso network nitong nakaraang huwebes July 1, 2021 sa Edsa Shangri-la Hotel Mandaluyong City.
Sa isang video na ibinahagi ni Bea sa kanyang Youtube channel, sinabi niya na maganda ang magiging kalalabasan ng kanyang naging desisyon.
"I was offered to do teleserye and offered a network contract by GMA. And at that point, it felt like it was the right thing to do and it came at the right time. And it felt good,” saad ng aktres.
Dagdag pa ni Bea na 'smooth sailing' lang umano ang ginawa nilang paglipat. "“My manager (Shirley Kuan) negotiated and it has led us to this. And to be honest, ang gaan-gaan lang ng lahat, ‘yung buong proseso”
Marami naman sa mga GMA artist ang bumati at natuwa sa paglipat ng bagong kapusong si Bea. Ilan na rito sina Yasmien Kurdi, Julie Anne San Jose at Carla Abellana.
Ngunit ang mga loyalista ng ABS-CBN ay hindi masaya sa paglipat ng aktres isa na rito ang direktor at producer na si Erick Salud. Matapos mag trending ang pagiging Kapuso ni Bea ay kaagad itong nagreact.
“ Bakit kaya? May project siya na nasimulan at na-promote na prior to pandemic. Tapos sey niya, 'di pa siya ready mag-shooting. Ayun pala lilipat. Aaaarte! Naghihirap ba siya? E, may big farm nga. Kaloka siya!”
Sinabi ng Direktor na may naiwang project si Bea sa dos at na promote na umano ito.
May mga usap-uspan rin na pinagbabayad umano si Bea ng Kapamilya network ng danyos para sa mga nagastos dahil nasimulan na ang proyekto.
Iba't iba naman ang naging rection ng netizen sa ginawang paglipat ni Bea.
"Greener pasture people! Greener pasture! That's all it is. Loyalty doesn't feed your family. AYAW MO PAGBUOT UG NANARBAHO ANG TAO. MAGTRABAHO DIN KAYO!
I BET YOU'LL DO THE SAME for a higher salary. How much more with 200M. Sa real lang tayo people. Practical lang siya. I commend her!"
"Dont worry ABS CBN may karma dn yan...d manlang nahiya sa inyo...sabi kna instinct ko pa lang kay Bea Alonzo d sya mabuting tao.,baka kaya sya iniiwan kasi may ugali sya na d talaga maganda..."
Sue her then if you think there’s a breach of contract. But since wala naman, let her be. I certainly wouldn’t say no to 200M, a stable career, and financial security for myself and family.
Source: The Philippine Times
















