Wednesday, June 30, 2021

Sikat na vlogger na si Anne Clutz, na scam ng malaking halaga ng kanyang empleyado!

0


Si Joanne Clutario o mas kilala bilang Anne Clutz ay isa sa matatagumapay na vlogger sa Youtube. Isa siya sa mga sumikat sa karangan ng make up vlogging.

Dahil dito ay nakapagtayo siya ng iba't ibang negosyo tulad ng pag gawa ng sariling make brushes. Dahil sa taas ng demand ng kanyang mga produkto ay kinailangan ni Anne kumuha ng mga tauhan upang mas maging maayos at mapalago ang kanyang negosyo.


Nito mga mgakaraang araw lamang ay nagpost ang sikat na vlogger ng isang video sa kanyang Youtube account kung saan ay magbabakasyon sana sila kasama ang kanyang buong pamilya sa isang private resort sa San Rafael, Bulacan ang San Rafael River Adventure.

Makikita sa vlog na noong una ay masayang masaya ang pamilya ni Anne habang papunta sila sa resort. Ngunit ng nakarating na sila sa sa mismong resort at tinanong na ang kanilang reservation para sa araw na iyon ay biglang hindi na umano agad nakasagot ng maayos ang receptionist nito.

Dito ay kinakabahan na umano si Anne at ang asawa nito dahil nakita pa nila ang receptionist na may tinatawagan na tila ba may kinukumpirma.

Matapos nito ay tinanong sa kanila ng receptionist na baka peke ang booking nial at baka umano na scam sila.

Sa puntong ito ay hindi na makapaniwala ang vlogger at ang kanyang pamilya. Pinakita sa kanila ng receptionist na wala ang kanilang pangalan sa mga nakabook ng araw na iyon. Dahil dito ay umuwi na rin ang kanilang pamilya ng malungkot.

Dito na ikinwento ni Anne na ipinagkatiwala nya ang pag book ng kanilang bakasyon sa isa sa kanyang mga empleyado na nagpanggap na anak ng may ari ng resort.

Noong una raw ay napapaisip siya rito, kung bakit nag apply ng trabaho sa kanya ang taong ito kung anak naman pala ito ng may ari ng resort. Ngunit nagtiwala parin siya sa pag aakalang gusto lang nitong maging independent.


Ibinigay na umano nila Anne ang full payment para sa kanilang booking. Aniya hindi siya magbabanggit ng pangalan dahil alam daw niyang may dahilan ang kanyang tauhan kung bakit nya nagawa iyon.

"Naiimagine ko yung itsura ko na 'hehe naisahan', Ayoko ng magsabi ng pangalan kasi alam ko may reason sya kung bakit nya ginawa yun. Ang gusto ko lang naman malamn kung bakit" Saad ni Anne

Sinabi pa ng sikat na vlogger na waa lang umano sa kanya yung mga perang nawala at naibayad niya. Ang pinakamasakit umano ay ang disappointment na naidulot nito sa kanyang pamilya.

Laking pagpapasalamat nalang din ni Anne at nalaman nila agad na nalaman nila ang panlol0ko ng maaga dahil may nakaplano rin palang photoshoot ng kanyang produkto sa mismong resort na nakabook din sana sa mga sumunod na araw matapos ang dapat sana'y bakasyon nila.

"Buti nalang talaga at ngayon nangyari at hindi mismo sa araw ng shoot, (dahil) kung hindi mas malala ang kaganapan kasi imagine ang hassle non ang daming taong involve"

Sinabi pa ni Anne na hindi na sana pinaabot ng kanyang empleyado sa ganitong sitwasyon dahil nakakahiya ang nangyaring ito para sa kanya. "Hindi ba niya naisip na nagba-vlog ako? syempre diba?"

Nakiusap naman si Anne sa kanyang mga taga suporta na huwag ng mag bigay ng pangalan at hulaan kung sino ang nanl0ko sa kanila. Paliwanag niya gusto pa raw niyang bigyan ng pagkakaon ang kanyang staff na magpaliwanag at magchat sa kanya sa kung anong nangyari

Sa huli ay naisip nalang ni Anne at ng kanyang kapatid na baka wake up call lang ito sa kanila dahil masyado umano silang mabait sa kanilang empleyado.

Samantala, narito naman ang reaksyon ng mga netizens.






Narito ang kabuuan ng video ni Anne.

 

Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment