Umani ng iba't ibang reaksyon ang mga larawan ng Kapuso actress na si Kiray Celis.
Sa kanyang instagram post, makikitang halos makita na ang kanyang hinaharap dahil narin sa style ng damit na kanyang suot.
"Outfit ko, paglalabas ng kwarto. BUWAHAHAHAHA! Eme!" Paglalahad ng aktres sa kanyang post.
Ayon pa sumunod na caption ni Kiray, "Alam niyo ba kung anong iniisip ko?! Iniisip ko kung kailan magkakalaman to. 26 na ako. HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Dahil sa dami ng negatibong komento sa mga larawan ni Kiray ay may isang netizen na naghayag ng kanyang napansin. Sinabi niyang pag magagandang artista ang nagpopost ng mga ganitong klaseng damit ay maraming nakukuhang suporta. Ngunit bakit pag si Kiray ay ang daming punang natatanggap ng aktres.
Sa huli any maraming nagpahayag ng suporta sa ipinapakitang confidence ng Kapuso actress at sinabing ipagpatuloy lang ni Kiray ang pagiging proud sa kanyang sarili.
Narito ang video.
Source: The Philippine Times













