Saturday, June 26, 2021

Kilalanin ang tatlong anak ni Sunshine Cruz na hindi matawaran ang kagandahan.

0

Sinigurado ng aktres na si Sunshine Cruz na kahit nasa gitna tayo ng krisis ay makakapagbonding silang mag iina bago matapos ang summer. Nais niyang maging masaya ang kanyang tatlong anak na dalaga at makapagtampisaw sa beach.

Kahit na mag isang itinaguyod at pinalaki ni Sunshine ang kanyang tatlong anak ay hindi parin nawawala ang close nila sa isa't isa. Kahit na abala siya sa pagtatrabaho sinisiguro nyang masaya ang kanilang munting pamilya.

Sa ganda ng hubog ng kanilang katawan at taglay na kagandahan ng mag iinang ito, madalas na magapagkamalang magkakapatid lamang sila.




Ang panganay ni Sunshine na si Angelina Isabel Cruz ay kilala sa music industry dahil sa taglay niyang talento sa pagkanta. Dahil dito nakapagproduce siya ng kanyang sariling album. Hindi na katakataka kung kanino niya namana ang kanyang magandang boses na labis na kinagigiliwan ng mga netizens.

Ang kanya namang ikalawang anak ay si Samantha Angeline na unti unti naring nakukuha ang atensyon ng mga netizen dahil sa angking kagandahan. 

Ang mga post nitong larawan sa kanyang Instagram account ay talaga namang umaani ng ng maraming reactions at mga positibing komento. Hindi pa handa sa mundo ng showbiz si Sam ngunit marami ang nagsasabi na malaki ang potensyal nitong sumikat dahil sa hindi matatawarang kagandahan.




Ang ikatlo at huling anak ni Sunshine ay si Angel Francesca na hindi rin malalayo ang kagandahan sa kanyang ina. Makikita sa mga larawan na hindi rin nalalayo ang kutis nito sa kanyang ama na si Cesar Montano. Si Chesca ay 15 taong gulang pa lamang at kasalukuyang nag aaral sa De La Salle Santiago.



Hindi maitatanggi na biniyayaan si Sunshine ng naggagandahan at mabubuting anak kahit na hindi maganda ang kinahinatnan ng kanyang relasyon sa dating asawang si Cesar Montano. 




Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment