Thursday, May 27, 2021

Yassi Pressman, inamin na wakas ang totoong dahilan ng biglaang pag alis sa Ang Probinsyano!

0

 Inamin na ni Yassi Pressman ang dahilan ng kontrobersal na pag alis niya sa programa ng ABS-CBN na Ang Probinsyano. Limang taon na rin simula ng gumanap siya bilang asawa ni Cardo (Coco Martin) na si Alyanna.


Pormal ng inanunsyo at ipinakilala ng TV5 at ng Viva Television si Yassi bilang host ng bago nitong programa Rolling in It, isang game show na magsisimula ng ipalabas sa June 5, 2021.

Nagkaroon ng presscon nitong umaga ng Martes, May 25, ang Rolling in It.

Ayon kay Yassi iniisip na niya ang mga pagsubok na pwede niyang harapin sa pagalis sa Ang Probinsyano matapos ang limang taon.



Sinabi ng ng Kapamilya star na schedule ang pinaka nagtulak sa kanya upang lisanin ang ABS-CBN's longest-running and top-rating action drama series.

"That happened din po kasi because of the schedule." Pahayag ni Yassi.


"Dahl mahirap narin po ituloy yung lock-in, kaya, kaya poo sobrang thankful ako sa dreamscape, sa ABS-CBN, all of my bosses, especially kay Coco na gumawa ng script at nangako sya na magkakaroon ng maganda exit si Alyana." Dagdag pa nito.

"I appreciate it, his appreciation na i just really appreciate that he appreciated me and yung impact ni Alyana sa kwento."

"Sana po, patuloy nyo silang suportahan, Ang Probinsyano, every week night po yan dito rin po sa TV5" pag aanyaya pa nito.


Matapos nito ay pinasalamatan ni Yassi ang kanyang mga bagong boss sa kanyang bagong programa sa pagbibigay nito ng oportunidad upang maipakita ang kanynag hosting skills.

"He called me, binigyan pa niya ko ng mga pointers and the he said, 'Just go Yas, just be yourself. Just have fun'."


May mga nakakatuwa pa umanong sinabi ang mga boss nya sa bagong istasyon na lilipatan niya ngunit minarapat nalang niya itong huwag sabihin, sa halip ay nagpasalamat na lamang siya kay Robi. 

Nagpasalamat rin si Yassi sa TV5 at sa Cignal maging sa mismong show na Rolling In It in the Philippines at sa lahat ng n agtitiwala sa kanya.

"For me it's such a big challenge but more than anything, excited na excited na akong mapasaya yung mga contestant natin at mapasaya ko yung viewers" Masayang sinabi ni Yassi

Narito ang video:


Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment