Wednesday, May 26, 2021

Nakakalulang halaga ng sapatos ni Raffy Tulfo pinag usapan sa social media!

0

 

Si idol Raffy Tulfo ang isa sa pinaka matatapang at matulungin na personalidad sa telebisyon.

Kung kaya naman marami ang humanga sa kanya at binansagan siyang "Idol ng Bayan."

Habang lumilipas ang panahon ay padami narin ng padami ang kanyang natutulungan at napapatunayan niya ang kanyang taglay na kabutihan.


Kung kaya't hindi na nakakapagtaka na madami ang talaga namang humahanga at tumitingala sa kanya.

Bukod sa kanyang trabaho sa harap ng camera, abala rin si Idol sa paggawa ng vlogs sa kanyang sariling Youtube Channel. Sa ngayon ay mayroon itong humigit kumulang 19 milyon na subcribers.


Bukod sa mga kapanapanabik na mga reklamo at mg kwento ng mga taong bayan, pinakainaabangan din ng maraming Pinoy ang kanyng OOTD o ang kanyang mga isinusuot sa araw araw.


Pangkaraniwan ng inaabangan ng mga taga subaybay ng kanyang programa ang sapatos at polo shirt na kanyang susuotin sa bawat episode ng Wanted sa Radyo.

Napansin rin ng kanyang mga taga hanga ang hilig ng reporter sa mga sapatos.

Matatandaang nai-kwento noon ni Tulfo na wala siyang sariling damit noon.


Tanging ang bigay lang umano ng kanyang mga kamag anak ang kanyang isinusuot.

Minsan naman umano ay ang pinagliitan na damit ng kanyang nakatatandang kapatid ang kanyang isinusuot.


Ngunit dahil sa kanyang kabutihan loob ay labis labis pa ang bumalik at natatamo niyang biyaya ngayon.

Inamin ni Ido l na mahilig talaga siyang mangolekta ng branded na sapatos.


Isa nga sa mga episode na naging kapansin pansin sa mga netizen ang sapatos nitong suot.

Ito ay ang Jordan 1 Dior, base sa presyo sa market, ang sapatos na ito nagkakahalaga ng halos isang milyong piso.

17,000 Dollars ang presyo nito base sa web, o 842,000 pesos.


Kaya naman napa-wow na lang ang mga netizens nang malaman ang nakakalulang presyo nito.

Sa kabilang banda saad ng ilan na deserve naman daw ito ni Idol.



Narito naman ang video kung saan pinakita pa ni Idol Raffy ang ilan sa kanyang mga mamahaling sapatos at iba pang gamit na kanyang ibinebenta para sa makatulong sa iba.



Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment