Monday, May 24, 2021

Jinkee Pacquiao, ginulat ang lahat sa mga inamin tungkol sa relasyon nila ni Manny Pacquiao noon!

0

Inalala ni Jinkee Pacquiao ang buhay nila noon ng kanyang asawa na boxing champion na si Senator Manny Pacquiao noong nagsisimula pa lamang ito sa kanyang boxing career.

Sa kanyang interview sa celebrity doctor na si Doktora Vicky Belo sa kanyang vlog, tinanong ng doktora si Jinkee kung paano nya sinuportahan ang kanyang asawang si Manny noong sila ay bagong kasal pa lamang.

"So nung kinasal ba kay ni Manny paumpisa pa lang sya nun sa career nya?" Tanong ni Dra. Vicky.

"Oo umpisa pa lang" sagot ni Jinkee. "So wala talaga syang pera nun" pagkumpirma ni Belo.

Nang dahil sa  katanungang iyon a naibahaging muli ni Jinkee ang mas marami nilang pinagdaanan ni Manny, tulad ng pangungutang niya ng pera upang makapagtraining si Manny. Humahanap rin umano siya ng paraan kung paano kikita ng pera upang masuportahan ang asawa.

"Nako marami kaming experience na mangutang kami, ganyan. Para lang makapag ensayo sya sa Davao or Manila." Kwento ni Jinkee.

"Kailangan may pocket money. Alam yan ng mga ninang namin kasi ginigising ko sila ng maaga, 'Ninang help me, help us'." Dagdag pa ng may bahay ng boxing champ.

Tinanong din ni Vicky na, "Ah ikaw ang tumatawag, hindi si Manny?"

"Hindi, ako, ako, oo. Mangungutang pa kaming pera para may pang-budget nya sa ensayo," paglalahad pa ni Jinkee.

Tiannong rin siya sa nasabing panayam kung kahit minsan ba ay tinutulan niya ang pagpasok sa pagbaboxing ng asawa. "Ay no never. Sumasama ako sa ensayo."

Matatandaang noong nakaraang taon lamang ay sumulat ng madamdaming mensahe si Jinkee para sa kanyang asawa para sa kanilang wedding anniversary.

"21 years ang counting! Grabe how time flies."


"Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa lahat, ang dami nating pinagdaanan, nalampasan ang mga pagsubok at ngayon mananatiling matatag at malakas sa gabay ng Panginoon."Saad pa muli ni Jinkee.

"I love you babe! God is good all the time. The two are united into one. Then the lord said, it is not good for man to be alone. I will make a helper just right for him."


Narito ang buong panayam.


 

Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment