Pinagusapan ng husto ang post ng isang netizen ng mayroon siyang matuklasang kakaibang bagay sa kanilang pader.
Sa post ng isang nagngangalang Sherryl Anlap Tayhopon, ibinahagi niya ang kakaibang karanasan niya nitong kamakailan lamang.
Matagal na umano niyang napapansin na palaging nagkukulang o nababawasan ang kanyang pera kahit sila sila lamang magkakapamilya ang nasa bahay.
Hanggang isang araw nagulat na lamang umano siya dahil nakakita siya ng daga. Nagpasya raw siyang habulin at sundan ito.
Sa paghabol niya, nakita niya na pumasok ito sa isang butas na bahagi ng kanilag pader s bahay, Pagpasok doon ng daga ay hindi na raw niya ito nakita.
Nakita na lamang nila na may mga paper bills sa pinasukan ng daga.
At ng subukan na nila itong kuhanin, nalaman nilang ito pala ang mga nawawalang pera ng ginang.
Sa kasamaang palad ay may ilang piraso na ng paper bill ang nangatngat na ng daga.
Sa kabila nito ay umaasa parin si Sherryl na maipapalit niya sa bangko ang nasirang paper bill na umabot sa apat na libog piso.
Kaagad namang nagtrending ang post ng ginang at inulan ng maraming nakakatawang komento.
Narito ang video:
Source: The Philippine Times









