Isa sa may pinaka magandang mukha ngayon sa showbiz ang young star na si Alexa Ilacad. Kung kaya't kabi-kabila rin ang mga proyetong natatanggap niya.
Dahil sa kasikatan at angking kagandahan hindi maiiwasan ang sabihan at paghinalaan na nagparetoke siya.
Ayon sa 21-anyon na aktres, marami na siyang natatanggap na hindi magagandang mensahe sa kanyang instagram account dahil sa sugat na nakita ng ga ito sa kanyang ilong. Aniya, akala ng mga basher niya ay nagpagawa siya ng ilong kaya ito may sugat.
Sinabi ni alexa na kaya mayroon itong sugat ay dahil nakalmot ito ng kanyang pusa at hindi dahil nagpaplastic surgery siya.
Ayon pa kay Alexa wala naman daw masama kung nagpa-plastic surgery ang isang tao lalo pa kung ito ang nais nito.
Saad ni Alexa, “Some of you are soooo funny!! Sending me rude dms coz you think i had a nose job coz of this 'scar' on my nose (as seen in my previous story)”
“You guys have to chill out!! 1st of all, my cat just scratched my nose hahahaha and 2nd, there is nothing wrong with getting plastic surgery if a person wanted to, periodtttt." Dagdag pa ng dalaga.
Source: The Philippine Times









