Muling ibinalik ng Inter-Agency Task Force ang mas mahigpit na community quarantine sa Maynila at mga karatig probinsya nito, ito ay bunsod ng biglaang pagtaas muli ng c0v.id-19 cases.
Kasunod din nito ang mas mahigpit na quarantibe protocols. Hindi muna pinapayagan sa ngayon ang mga non-essential travels at anu mang pagtitipon upang maiwasan ang paglaganap ng v!rus.
Sa kabila ng mahigpit at istriktong mga protocols, marami parin ang mga nahuhuling pasaway at lumalabag rito. Nito lamang ay may nahuling nakilahok sa isang April fools prank sa Pampanga. Ang nakakgulat rito ay maging mga pulis na dapat siyang nagpapatupad ng mga protocols ay nakisali sa prank na ito.
Ang Sy Music Entertinment ay sinabing pasimuno umano ng nito. Ibinahagi nila ang videong ito sa kanilang facebook account at ng mag viral ay agad na umaksyon ang mga otoridad sa pangyayaring ito.
Dahil sa paglabag sa quarantine protocols, pansamantalang na-relive s kani-kanilang posisyon ang mga tauhan ng Pampanga police station 4. Apatnapu't isang (41) mga pulis ang nahaharap sa kasong administratibo.
Ayon kay Police Brigadier General Valeriano de Leon, suportado nila ang desisyon ni Angeles City Mayor Carmelo Lazatin na i-relieve sa pwesto ang mga uniformed personnel. Sa ngayon ay nagsasagawa pa rin ang mga otoridad ng imbestigasyon tungkol dito.
Pinapaimbestigahan rin ang Sy Music Entertainment upang matukoy rin ang mga dapat managot sa pangyayaring ito. Nilinaw ni General De leon na hindi nila sinusuportahan ang paglabag ng mga pulis sa IATF guidelines sa kalagitnaan ng pandemic.
“We do not condone any misconduct and misdemeanor from our personnel especially this time of pandemic. We are serious and stern in the implementation of IATF guidelines and we even risked our lives to contain the widespread of the virus and their acts are unacceptable." Saad ni General De leon.
Narito ang video:Source: The Philippine Times







