Dahil sa hirap ng buhay, maraming tao ang hindi naiiwasang kumapit sa patalim upang mabuhay at magkapera kung kaya naman laganap ang mga kr!men kagaya na lamang ng akyat-bahay.
Ngunit tila ba hindi rin madali ang trabahong ito ng isang lalaki sapagkat tila ba pagod na pagod ito ng akyatin niya ang isang bahay. Nakatulog ang lalaki sa kanyang nilolooban na bahay sa dahil sa sobrang pagod.
Ito ang gumulat sa isang homeowner sa bansang Thailand. Naging trending topic ang lalaking ito matapos nga siyang makatulog sa bahay ng mismong nilolooban niya. Ayon sa isang Facebook page, dahil hind na nakaya ng lalaki ang pagod at antok ay natulog muna ito sa kwarto.
Hindi naman inakala ng lalaki na nasa loob ng bahay ang may ari nito kung kaya't nakuha pang mahiga ng lalaki sa kama upang mamahinga. Bukod pa rito, binuksan pa ng magnanakaw ang aircon upang mas maging komportable siya sa kanyang pamamahinga.
At home ang magnanakaw at mahimbing na mahimbing ang tulog nang madatnan siya ng may ari ng bahay. Ayon sa balita isang police officer ang may ari ng bahay ng 22-anyos na magnanakaw.
Nagtaka umano ang police officer dahil nakabukas ang aircon sa kwarto ng kanyang anak, gayong wala naman umano ito sa bahay. Laking gulat nya ng silipin ang kwarto nito na mayroong ibang tao at aroon ang magnanakawa na mahimbing na natutulog.
Nang madatnan niya ito na natutulog sa kama ng anyang anak na babae, kinuhanan muna niya ito ng larawan at saka niya ito sinigawan upang magising, kaagad naman itong nagising dahil sa ingay.
Makikita sa mga larawan nito na hindi inaasahan ng lalaki na mahuhuli siya ng may-ari at tila ba naiinis pa ito dahil naistorbo siya sa kanyang pamamahinga.
Kaagad na tumawag ng back up ang police officer upang hulihin ang akyat-bahay. Inaresto nila ito at ikinulong. Nahaharap ang lalaki sa patong patong na kaso kagaya ng trespassing at burglary.
Narito ang ilang reaksyon ng mga netizens.
Source: The Philippine Times