Kamakailan lang any nagdiwang ang sikat na actress turned vlogger na si Ivana Alawi ng makamit niya ang mahigit labing isang milyong subscribers sa kanyang Youtube channel.
Marami ang humanga at pumuri sa ginawang kabutihan ni Ivana sa kutsinta vendor. Kahit matagal matagal ng na-ipost ang video ay puro papuri ang natatanngap ni Ivana dahil dito, ngunit may mga tao paring pumuna sa kanyang ginawang patulong kay Joselito.
May mga natatanggap na mga banta ngayon si Ivana, at sinasabi nilang kakasuhan nila ang actress-vlogger sa ginawa nito dahil may mga nilabag umano siyang mga safety protocols.
Ngunit ayon kay Ivana, handa umano siyang lumaban para dito dahil alam umano niya na gumagawa lang siya ng mabuti at wala siyang sinaktan o tinapakang tao sa kanyang ginawa.
Samantala, nagbigay naman ng update si Ivana sa kutsinta vendor na si tatay Joselito. “Right after ko nilabas ‘yung vlog na street prank, nagkita kami after two days. Pina-swab ko siya tapos nakapag-usap, nag-lunch, and I helped out in my own small ways."
“Hindi pa po tapos. Tay, motor niyo po ‘yan. Sa inyo na po ‘yan, Tay,” Ivana said. “‘Wag na po kayo magba-bus masyado. Sa inyo na po ‘yan, Tay,” Saad ng aktres.
"May sasakyan na tayo" saad ni tatay Joselito habang kausap ang asawa.
Source: The Philippine Times












