Friday, April 9, 2021

Gerald, reyna ang turing sa girlfriend na si Julia. Julia, handang gawin ang lahat para kay Gerald.

0

Ilang buwan ng usap-usapan at maingay ang pangalan ng magkasintahang Gerald at Julia.

Ito ay matapos ang pag amin nina Gerald Anderson at Julia Barretto noong nakaraang buwan tungkol sa kanilang relasyon, muling ibinalandra ng dalawa ang sobra sobra nilang pagmamahal sa isa't isa. 

Maging ang pamilya ni Julia ay suportado ang pagmamahalan ng dalawa makikitang kasama ng buong pamilya ni Julia ang nobyong si Gerald sa isang  beach trip.

Sa kanilang instagram account, nagpalitan ang dalawa ng matatamis na mensahe para sa isa't isa. Kaagad naman itong pinusuan ng kanilang mga fans at mga malalpit na kaibigan.

Nagpost si Julia ng kanilang larawan ng kanyang boyfriend na si Gerald. Makikitang magkaholding hands ang dalawa habang nasa beach at papalubog ang araw.


Ayon sa kanyang caption, "My ride or die." Kaagad namang nagcomment si Gerald sa post ng kanyang girlfriend, "My (queen emoji)" sinundan naman ito ng red heart emoji.



Ayon sa mga netizens, halatang halata di umano na inlove na inlove ang aktres kay Gerald dahil sya palagi ang nagpopost ng mga sweet na larawan nila ng hunk actor samantalang si Gerald ay pa-comment comment lang sa mga post nito.

Sa isang panayam sinabi naman si Julia na walang siyang pakialam sa kanyang ga bashers maging sa mga komento nito sa kanyang buhay. Ayon kay Julia, ang tanging mahalaga lang sakanya ay ang komento ng kanyang malalapit na kaibigan at pamilya.


Narito ang video: 


Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment