Saturday, March 6, 2021

Wowie De Guzman, mag isang pinalaki ang anak matapos mawala ang kanyang asawa pitong taon na ang nakakalipas!

0

Isa si Wowie De Guzman sa pinakasikat na aktor noong 90's dahil narin sa angking husay nya pagdating sa pag arte, mapa-pelikula man o sa telebisyon. Isa rin siya sa pinaka gwapong artista sa kanyang henerasyon kung kayat maraming kababaihan ang talaga namang nahhumaling sa kanya. Hindi lang sa pag aartista nakilala at sumikat ang dating matinee idol, isa rin sya sa pinakasikat na mananayaw noon. Naging patok rin ang tambalan nila ng superstar na si Judy Ann Santos.


Sa ngayon ay mas naging pribado na ang buhay ni Wowie. Marami ang nakakabatid na isa na siyang "solo parent" sa kanyang nag iisang anak na si Alexandra Rafealle o Raff, ito ay matapos lumisan ang kanyang asawa noong taong 2014. Nawala ang kanyang misis isang buwan matapos nitong manganak sa kanilang anak.


Sa kabila ng pangungulila sa asawa at mag isa na lamang niya giagampanan ang pagiging magulang sa kanilang anak, sinisigurado naman raw niya na mapapalaki niya ito ng maayos at pangarap niyang maging isa itong "adorable celebrity kid"

Narito naman ang ilang mga larawan ng kanyang anak na si Raff. Makikita kung paano siyang inaalagaan ng kanyang ama na si Wowie mula ng siya ay isinilang hanggang ngayon na siya’y isa ng 5-taong gulang ng bata.


Dumating sa buhay ni Wowie ang kanyang anak na is Raff noong March 27, 2014. Nang mahagkan ng dating universal motion member at matinee idol ang kanyang anak ay walang pag sidlan ang kanyang kaligayahan kung kaya't inihayag niya sa lahat na isa na syang "proud daddy."


Matapos nga ang isang buwan ng pagkakaislang kay Raff ay pumanaw naman ang kanyang ina na si Sheryl Ann Reyes. Magmula noon ay matapang na hinarap ni Wowie ang pagiging responsableng single dad. Nangako ang aktor na ilalaan ang kanyang buhay sa pagpapalaki ng kanyang anak.


Minsan naring naibahagi ng aktor ang isa sa magagdang larawan ng niya kasama ang kanyang anak. Ito ay kung saan nakahawak ang kamay niya sa munting kamang ng noon na sanggol pa lamang na si Raff. In-upload niya ito sa sa kanyang social media account at nilagyan ng caption na "my life"


Dahil galing sa mundo ng showbiz, hindi maiiwasan na sanayin rin ni Wowie ang kanyang anak sa camera kahit na  ito ay sanggol pa lamang noon.

Sinabi ni Wowie na nakikita na nya ang kanyang anak bilang isang bibong bata kahit na limang taong gulang pa lamang ito.


May mga larawan na nagpapakita kung gaano nga kabibo ang anak nitong si Raff. Makikitang mahilig itong sumayaw, kumanta at magbisikleta sa kanilang bakuran.


Tila nga namana ni Raff sa kanyang amang si Wowie ang talento nito sa pagsasayaw, at ang paborito nga umanong sayawin ng naturang anak ng aktor ay mga tugtog ng K-Pop, lalo na ang mga sayaw at kanta ng grupong BLACKPINK.


Ayon nga kay Wowie, tine-treasure niya ang bawat panahon ng pagkabata ng kanyang anak at ito talaga ang priyoridad niya ngayon, dahil batid niya na hindi habang buhay ay mananatili itong bata.
“Because isang beses lang magiging one year old, two years old, three years old, four years old, so tine-treasure ko ‘yung moment na clingy pa niya sa ‘kin.”




Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment