Tuesday, March 9, 2021

Mga showbiz couple na labis na pinagusapan dahil sa kanilang pag iibigan!

0

Bilang isang public figure o sikat na artista, hindi maiiwasan na pag usapan ng madla ang iyong buhay. Marami sa mga fans ang nais malaman ang pamumuhay ng mga sikat nilang idolo. Kung kaya't kahit gaano mo pa itago o isapribado ang iyong buhay, tiyak na lalabas at lalabas ang mga bagay bagay tungkol sa 'yo. 

Bilang isang celebrity, isa sa pinakamainit na pinag uusapan ay ang kanilang buhay pag ibig. 

Narito ang ilan sa mga showbiz couple na talaga namang pinagusapan simula ng sila ay nag ibigan.


1. Ellen Adarna at Derek Ramsay


Nitong January lamang ay mainit na pinag usapan ang relasyon nina Derek at Ellen. Matatandaang kakahiwalay lamang ni Derek kay Andrea Torres noong December 2020 kung kaya't marami ang nagulat na mabilis ang pagsisimula ng pag iibigan ng dalawa Noong umpisa ay itinanggi nila ang kanilang relasyon, ngunit kalaunan ay napaamin narin sila at ngayon ay mahigit isang buwan ng nagmamahalan.



2. Julia Barretto at Gerald Anderson


Mainit na mainit ngayon ang balita tungkol sa relasyong Gerald at Julia. Matatandaang noon taong 2019 ay naging kontrobersyal ang dalawa dahil si Julia umano ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Kaagad naman itong itinanggi ni Julia. Ngunit nito lamang March 5, inilabas ng ABS-CBN Entertainment sa Youtube ang exclusive interview sa aktor ni Boy Abunda kung saan ay kinumpirma nito ang relasyon nila ni Julia Barretto. Sinundan naman nito ng pagbati ni Julia sa kaarawan ni Gerald kanyang instagram account kasama ang larawan na nakahalik ito sa kanyang pisngi.



3. Maja Salvador Gerald Anderson


Naging usap usapan noon ang naging relasyon nina Gerald Anderson at Maja Salvador. Naging opisyal na magkasintahan ang dalawa noong taong 2013. Napabalitang nagkaroon ng samaan ng loob sina Kim at Maja dahil dito. Bago magkaroon ng relasyon sina Gerald at Maja ay naging matalik na magkaibigan sila ni Kim. Ang nasabing relasyon ang sumira umano sa pagkakaibigan ng dalawa. Noong 2015 ay naghiwalay rin sina Maja at Gerald. Sa ngayon ang malapit muling magkaibigan sina Kim at Maja.


4. Coleen Garcia Billy Crawford


Nagkakilala sina Billy Crawford at Coleen Garcia noong pareho silang naging hosts ng noontime show na It's Showtime. Matatandaang si Nikki Gil ang kasintahan ni Billy bago niya makilala si Coleen. Nang maghiwalay ang mga ito ay sya namang pag amin ng dalawa ng kanilang relasyon. Marami ang nagulat at nagalit na mga fans sa nangyaring ito. Ngunit kalaunan ay natanggap na rin nila ang mga pangyayari. Sa ngayon ay kasal na sina Billy at Coleen at mayroon na silang anak na si Amari Crawford.



5. Claudine Barreto Raymart Santiago


Marami ang tumaas ang kilay ng maging opisyal ang relasyon ng dalawa. Bukod sa usap usapan na si Raymart ang dahilan kung bakit naging malabo noon ang relasyon ni Claudine at Rico Yan. Inamin din ni Claudine sa isang interview na 'rebound' lamang si Raymart. Kinasal sila noong 2006 at biniyayaan ng dalawang anak ngunit naghiwalay rin and dalawa noon 2013. Sa ngayon ay masaya na si Raymart sa kanyang bagong girlfriend na si Jodi Sta. Maria habang si Claudine naman at masaya sa piling ng kanyang mga anak.


6. Pauleen Luna at Vic Sotto


Naging trending topic noon ang relasyon nina Vic Sotto At Pauleen Luna dahil narin sa agwat ng kanilang edad. Si Vic ay 66-anyos na ngayon samantalang si Pauleen ay mas bata pa sa ilang anak ni Vic dahil siya ay 32-anyos lamang. Kinasal ang dalawa noon 2016 at masaya na ngayong nagsasama kasama ang kanilang munting anghel na si Tali Sotto.




7. Bea Alonzo at Gerald Anderson


Naging usap usapan noon ang pagkakaroon ng relasyon nina Gerald at Bea dahil ito umano ang sumira sa tambalang Kimerald. Matatandaang maraming fans ng Kimerald ang nagalit kay Gerald at Bea dahil sa kanilang relasyon. May mga de4thre4ts  pa umano mula sa fans ng Kimerald para kina Gerald at Bea. Noong 2019 ay naging kontrobersyal ang hiwalayan ng dalawa dahil sa isyu ng third party.


8. John Lloyd Cruz at Ellen Adarna


Ang relasyon ni John Lloyd Cruz kay Ellen Adarna umano ang nagtulak sa aktor upang iwanan ang mundo ng showbiz. Nasa kasagsagan ng kasikatan si John Lloyd ng kanyang karera ng bigla na lamang siyang mag file ng leave of absence sa kanyang home network na ABS-CBN. Nagkaroon siya ng anak kay Ellen na si Elias. Sa ngayon ay unti unting bumabalik si John lloyd industriya habang si Ellen naman ay masayang masaya sa kanyang bagong pag ibig.


9. Maine Mendoza at Arjo Atayde


Sumikat ng husto si Maine Mendoza dahil naging patok ang kanilang tambalan ni Alden Richards, ang Aldub. Marami sa fans ng Aldub ang umasa na magiging totoo ang pagtitinginan ng dalawa. Ngunit sinabi ni Maine sa isang post niya na 'loveteam' lamang sila ni Alden at magkaibigan at wala ng hihigit pa roon. Nang ianunsyo nina Maine at Arjo ang kanilang relasyon, maraming fans ang hindi ito matanggap at marami talaga ang nagalit sa dalawa, ngunit hindi nagtagal ay natanggap narin ito nga ibang mga fans. Sa ngayon ay masaya si Maine sa kanyang relasyon kay Arjo na dalawang taon na ngayon.



10. Vice Ganda Ion Perez.


Nagkakilala sina Vice at Ion ng maging escort ang binata sa isang segment ng It's Showtime. Noong umpisa ay tila biruan lamang ang mga sweetness ng dalawa para marami ang kiligin at maging patok ang segment. Marami ang nagulat ng umamin ang dalawa na matagal na pala silang magkarelasyon. Marami ang tumaas ang kilay dahil pera lamang at kasikatan ang habol ni Ion kay Vice at hindi totoong mahal nya ito. Ngunit tila pinapatunayan ng dalawa na totoo ang kanilang pagmamahalan dahil magtatatlong taon na ang kanilang relasyon ngayon.



Ilan lamang ito sa mga relasyon na labis na pinagusapan noon. Mayroon kabang alam na celebrity couple na naging kontrobersyal din kagaya nila? Maari mo samin ibahagi! Mag iwan reaksyon sa comment section.




Source: The Philippine Times

Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment