Tila ba nasa kumukulong mantika ngayon ang comedy singer na si Kakai Bautista. Ito ay matapos siyang hingan ng demand letter ng agency ni Mario Maurer.
Matatandaang nagkasama ang dalawa sa isang pelikula na pinagbidahan ng Thai aktor at ng kapamilya leading lady na si Erich Gonzales, ito ang "Suddenly it's Magic" na ipinalabas noong 2012. Kasama nila dito sina Joross Gamboa, Ces Queseda, Jestoni Alarcon, Kakai Bautista at marami pang iba.
Dahil dito ay naging malapit na magkaibigan sina Kakai at Mario. Humanga umano ng lubusan ang Thai superstar dahil sa magandang boses ng dental diva. Simula nga noon ay na-link na ang dalawa sa isa't isa. Hindi na napigilan ang usap-usapan na nagkaroon pa sila ng relasyon. Ngunit hindi naman ito kinumpirma ng dalawa.
Nang dahil sa pagiging malapit ng dalawa naging kadikit na ng pangalan ni Kakai Bautista si Mario Maurer.
Marami ang kinilig sa kakaibang chemistry ng dalawa ngunit marami rin ang nagtaas ng kilay at hindi nagustuhan ang pagiging ilusyonada umano ng tinaguring dental diva.
Sa ngayon nga ay mainit na pinag uusapan ang pagbabanta nga management ni Mario Maurer kay Kakai. Pinadalhan ng demand letter ang Kapuso comedienne mula sa legal counsel Kwaonhar Nine Nine Co., Ltd., ang kumpanya sa Thailand na nagma-manage ng showbiz career ni Mario.
Ginawa umano ng management ang hakbang na ito dahil sa paggamit ni Kakai sa pangalan ng Thai actor sa mga interview nito, palagi pa umanong binabanggit ni Kakai ang pangalan ni Mario at sinasabing close sila ng Thai superstar at kung ano ano pang mga bagay na wala raw katotohanan.
Narito ang demand letter na pinadala umano sa Artist Gallery Management na nangangalaga sa career ng dental diva.
“Subject: Demanding to Cease, Desist and Refrain from further use and reference of the name of Mario Maurer.
“Upon consultation with our client, we would like to confirm that all statements and claims made by Catherine ‘Kakai Bautista’ regarding her claims of proximity to Mario Maurer are hereby DENIED as false and untrue.
“By so using the name of our talent, Catherine ‘Kakai’ Bautista is improperly exploiting the name, image and reputation of Mario Maurer and his manager, and may be violating existing laws of the Republic of the Philippines and the Kingdom of Thailand,” sabi pa sa sulat.
Nakasaad pa sa demand letter: “Should you fail to confirm to us in writing that you have complied and/or will comply with the above demand to cease, desist and refrain under this letter hereof, our talent, Kwaonhar and its staffs will have no other alternative but to pursue (without any further notice to you) formal claims against your talent to protect his rights to the broadest extent.
“If you fail to comply with the foregoing, Kwaonhar reserves all of its legitimate right to claim for other damages and expenses incurred as a result of this matter. You should govern your contracted talent accordingly and responsibly.”
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ni Kakai sa isyung ito.
Samantala tila nagpasaring ang Kapuso comedienne sa managemnet ni Mario Maurer. Nagpost ito ng kanyang larawan na naka one piece swimsuit habang naglalakad siya sa tabing dagat.
Ayon sa caption “Hoooh, hirap pag sobrang gandaaaa. ISMAYL si Tyang sa mga taong ayaw tumigil. #dentaldiva #kapit #KakaiAdbentyurs.”
May ikalawang post pa ito, "BRB. Too busy loving myself. Too busy being grateful. #dentaldiva #KakaiAdbentyurs #Confidenceispower
Ayon sa isang panayam kay Kakai noong 2019, natigil na umano ang kumuniskasyon niya sa Thai Actor.
Narito and video.
Source: The Philippine Times













