Monday, March 29, 2021

Ivana Alawi, ibinunyag ang mayabang na aktor na nakasama niya sa isang disaster date!

0

 


Isa sa pinaka sikat na aktres at Youtuber ngayon si Ivana Alawi, kung kaya't hindi na nakakapagtaka kung bakit marami ang nangangarap na makasama siya. 

Sa taglay na ganda at kabutihan ng puso hindi maitatannggi na marami ang nagkakandarapa sa kanya at marami ang naghahangad na makadate ang isang Ivana Alawi. 

Ngunit ayon sa young actress mayroon na siyang naranasan na pangit na date kasama ang sobrang sikat na aktor at ito ay ibinahagi niya sa kanyang panayam kasama si Toni Gonzaga.



Kwento ni Ivana, noong nasa restaurant na sila doon niya nakita ang totoong ugali ng kanyang ka-date. Nakita umano niya kung paano nito tratuhin ang waiter na labis niyang ikinagulat. 

Sinigaw-sigawan nito ang waiter hanngang sa maiyak na lamang ito sa kahihiyan. Hindi naman pinalagpas ni Ivana ang nangyari.

"Pero siguro hindi niya alam na sobrang na turn off ako dun. The way that he treated that waiter. Sabi ko , kung ganyan sya magtrato sa waiter, diba he can treat me, anyone else like that. Like,  he could treat me, he could treat my family.. sabi ko ang lala nya."

Hindi umano niya pinalagpas ang pangyayaring ito. Kaagad umano niyang sinundan yung waiter at humingi siya ng paumanhin sa ginawa ng kanyang ka date. 

Ayon pa kay Ivana, hindi narin niya pinatagal ang kanilang date ata agad din siyang nag walk out dahil sobrang na turn off siya sa ginawa nito.

"Ayoko ng ganun talaga. Nag walk-out talaga. Akala nya siguro nao-off ako sa kanya, pero hindi ko na inisa isa, na parang 'Bastos ka magtrato ng ibang tao.' Pag nagkita kami, parang 'Dedma ha! stranger! Sama ng ugali mo!"

Sa kabilang banda, hindi anman pinangalanan ni Ivana ang sikat na aktor na naka-date niya. Ayaw na umano niyang maulit muli ang nangyari sa kanyang dating vlog na maraming nanghula sa kung sinuman ang ikinwento niya.


Narito ang video:

 

Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment