Bilang isang tao, isa sa pangunahing pangangailangan natin ay isang maayos at disenteng tirahan. Mahalaga ito para sa ating mentalidad at kalusugan. Ngunit may iilan sa atin ang hindi pinalad na makamit ito at nasa mahirap na kalagayan.
Marami sa atin ang hindi masikmura ang mga tambak na basura, lalo na kung ikaw ay maninirahan dito mismo. Bukod sa nakasalalay ang iyong kalusugan ay talaga namang hindi ito katanggap-tanggap kung kaya't mas marami sa mga walang tirahan ang mas pinili na manatili sa kalye imbes na sa basurahan.
Ngunit ano ang iyong gagawin kung ikaw ay wala ng pagpipilian at pupuntahan? Ito ang nakakalungkot na kapalaran ng isang matandang lalaki na nakatira sa tambak ng basura.
Ibinahagi sa isang Facebook post ni Atty. Kevin Amuntan Anarna at larawan ng kaawa-awang matanda.
Ayon sa abogado, sa loob mismo ng tambak na basura naninirahan ang matanda. Naiilang pa umano ang lalaki sa mga tao at sobra ang pagkamahiyain nito kung kaya't hindi nya nakuha ang mga impormasyon tungkol dito.
Ayaw pa raw ibigay ng matanda ang kanyang pangalan noong una, ngunit kalaunan ay napilit na rin umano nila ito at sinabing siya si Tatay Baldo.
Ayon pa kay Atty. tanging kalahating katawan lamang ng matanda ang kasya sa tinitirhan nitong basurahan.
“Hindi ko maisip kung paano na ang kalagayan ni tatay tuwing may bagyo o umuulan. Delikado rin sa kanto na iyon na maraming naaksidente,” sabi ng abogado.
Makikipaguganayan daw si Atty. Aranas sa LGU ng lugar upang mahanap ang mga kamag anak ni Tatay Baldo.
Source: The Philippine Times







