Wednesday, March 10, 2021

Ina ni Gerald Anderson, sinabi noon na hindi umano magtatagal ang relasyon nina Julia at Gerald dahil pareho silang nasa showbiz

0

Nitong mga nakaraang araw ay mainit na mainit na pinag uuspan sina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Ito ay matapos ang ginawang pag amin ni Gerald Anderson sa kanilang relasyon ng aktres sa kanyang tell-all interview kay Boy Abunda.

Dahil nga naging usap-usapan ang pag aming ito ng aktor, umingay muli ang kontr0bersyal na pahayag ng ina ni Gerald kay Gerald noon.

May isang panayam sa ina ni Gerald na si Mommy Evangeline Opsima kung saan ay dinepensahan nya ang kanyang anak sa mga kinakaharap nitong isyu noon.

Nagsalita si mommy Vangie noong kasagsagan ng isyu ng hiwalayang Bea-Gerald at nadadawit ang pangalan ni Julia.

Sinabi nito kay Julia na kung totoo man usap-usapan tungkol sa relasyon nito sa kanyang anak ay hindi niya ito matatanggap dahil hindi niya gusto si Julia para rito dahil alam umano niya na hindi ito magtatagal.

"Julia, hindi ibig sabihin na hindi kita gusto, bata ka sa anak ko. May edad si Gerald, baka lang ilang taon lang, wala na rin. O maybe three months, wala na kayo." Saad ng mommy ni Gerald.

"Hindi ko sinasabing ayaw kita, no, ang aking lang, ang advice ko lang sayo please, ayoko kais may edad na rin si Gerald sayo. Hindi rin kayo magtagal kasi alam ko, nasa industriya ka rin. Alam ko yung relasyon laro lang." Dagdah pa nito.

Nilinaw naman ng ina ni Gerald na hindi nya sinasabing ayaw niya si Julia para sa anak nito. Ang nais lang niya umanong iparating kay Julia ay nasa iisang industriya lamang sila ni Gerald kung kaya't hindi sila magtatagal bilang magkasintahan.


Humingi naman agad ng paumanhin si Mommy Vangie kay Gerlad. "I'm sorry RJ, I know you're going to get mad to Mama. I think son it's time to voice out kung ano yung narararamdaman ko, saan nasasaktan si Mama."

Inakusahan si Julia na siya umano ang third party sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson. Naging magkatrabaho ang young actress na si Julia at at former PBB housemate na si Gerald sa isang pelikula na pinamagatang Between Maybes.

Matapos ang ilang taon na pagtanggi sa kanilang relasyon, sa wakas ay inamin narin ng dalawa ang totoong namamagitan sa kanila ngayong linggo lamang.




Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment